3,566 total views
Church People Workers Solidarity, mag-aalay ng misa sa yumaong Priest human rights defender
Mag-aalay ng misa ang Church People Workers Solidarity para sa kaluluwa ni Father Jose ‘Joe’ Dizon sa Christ the King Missionary Jansen Hall, Quezon City sa November 04.
Ito ay upang alalahanin ang yumaong Pari sa pag-alay ng kaniyang buhay sa pakikisa sa mga progresibong grupo sa pagsusulong ng demokrasya, kapayapaan, karapatan ng mga manggagawa at ordinaryong mamamayan.
Ito ang ika-sampung taong paggunita sa kamatayan ng Pari na kilala rin sa pakikiisa sa EDSA People Power Revolution one.
Inaasahang dadalo sa paggunita ang mga miyembro ng CWS sa pangunguna ng national chairman nitong si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at Religous Discerment group Sister Rebevva Pacete MMS.
Itinatag ang CWS sa layuning paigtingin ang pakikiisa ng simbahang katolika sa mga labor groups at sektor ng mga manggagawa.
Misyon ng CWS na mapalakas ang boses ng sektor ng manggagawa sa pagkakaroon ng tamang benepisyo at pasahod.