512 total views
Nanindigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na hindi kailanman tugon ang pagpaslang maging ng mga kriminal upang makamit ang ganap na katarungang panlipunan.
Ito ang bahagi ng pahayag ng kumisyon para sa paggunita sa ika-15 anibersaryo ng abolition ng Death Penalty o parusang kamatayan sa Pilipinas noong 2006.
Ayon kay Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng kumisyon, ang bawat nilalang maging ang mga nagkasala o lumabag sa batas ay dapat na bigyan ng pangalawang pagkakataon upang makapagsisi at makapagbagong buhay.
“The Episcopal Commission on Prison Pastoral Care of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP-ECPPC) joins the Coalition Against the Death Penalty (CADP) in the joyful celebration of the 15th year of the abolition of the death penalty in the Philippines. We at the CBCP-ECPPC maintain that no person is beyond reformation. Every person deserves a second chance in order to correct his/her wrongdoings.” pahayag ni Bishop Baylon.
Ipinaliwanag ng Obispo na ang bawat buhay na ipinagkaloob ng Panginoon ay mahalaga.
Tiniyak ni Bishop Baylon na hindi kailanman mababago ang paninindigan ng Simbahan laban sa planong muling pagbabalik ng death penalty sa bansa na sadyang hindi tugon o solusyon sa kriminalidad sa lipunan.
“Our Holy Father Pope Francis in his teachings, has constantly stressed that the taking away of life is inadmissible. Every person is valuable as he/she is created in the image and likeness of God. Thus, we strongly and unequivocally oppose the move of the present Congress to restore the Death Penalty in our Justice system. We maintain that the death penalty is violative of the inherent dignity of the human person. No person, no matter how evil he is perceived to be, is beyond redemption and reformation.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.
Naniniwala rin ang kumisyon na tanging ang mga mahihirap lamang ang mabibiktima at mapaparusahan ng kamatayan dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga ito na maipagtanggol ang kanilang sarili sa harapan ng hukuman.
Binigyang diin rin ni Bishop Baylon na kung susuriin ang sistema ng katarungan at ang hindi patas na pag-iral sa batas sa bansa ay sadyang hindi naaakma ang parusahang kamatayan sa Pilipinas lalo na’t ‘irreversible’ ang parusang kamatayan kung saan hindi na muling maibabalik pa ang buhay ng sinuman.
“The death penalty will only mostly victimize the poor. Our past experiences show that most of those who were meted the death penalty were indigent and poor individuals, who simply could not afford quality legal representation to defend them before the courts. Lastly, the death penalty cannot work in an imperfect judicial system like ours. Once carried out, the death sentence is irreversible, and there is no possibility for rectifying an erroneous judgment.” Ayon pa kay Bishop Baylon.
Giit ng Obispo, patuloy na magkakaisa ang iba’t ibang mga sektor na nagsusulong sa karapatang pantao at kasagraduhan ng buhay upang kilalanin at respetuhan ang Republic Act 9346 An Act Prohibiting the Imposition of Death Penalty in the Philippines – ang nilagdaang batas ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong June 24, 2006 na opisyal na nagbubuwag sa parusang kamatayan sa Pilipinas.
Muli ring nanawagan si Bishop Baylon sa mga mambabatas na tuluyan ng isantabi ang planong muling pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas na isang tahasang paglabag sa dignidad ng tao, pagkakataong muling makapagbago at buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa.