252 total views
Hindi maaaring ipatupad muli ang parusang kamatayan sa bansa.
Ayon kay Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Karen Gomez-Dumpit, ito’y dahil sa legal na dahilang nakalagda ang Pilipinas sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights, aiming at the abolition of the death penalty.
Sinabi ni Dumpit, sa kasunduan nangako ang Pilipinas na aalisin nito ang parusang bitay na ginawa naman noong 2006.
“Legally we are duty bound not to impose death penalty of death already because we signed on to the second optional protocol to the civil and political rights convention aiming at the abolition of the death penalty, and what we promised is we will eradicate or abolish this which we did. The law prohibiting the imposition of the death penalty that was passed on June 24, 2006 actually paved the way for the optional protocol to be signed and ratified by the Philippines, so legally hindi puwede,” pahayag ni Dumpit sa panayam ng Radyo Veritas sa programang Veritas Pilipinas.
Iginiit ng CHR commissioner na ang paglagda sa nasabing kasunduan ay patunay na hindi na ipatutupad ang capital punishment dahil ang lahat ay may karapatang pantao at karapatang magbagong buhay at ang katarungan ay hindi siyento porsyentong nakakamit ng biktima.
“Siyempre ang magandang garantiya na hindi na nila gagawin yun ay ang signing on to the second Optional Protocol on civil and political rights, and the abolition of the death penalty…the death penalty issue is really a bundle of rights that are involved beneath fair trial guarantees na sinabi nga natin hindi perfect ang justice system and there are infirmities on due process na ginawa o hindi nabigyan ng due process or yung cruel and unusual punishment of death is really something that is irreversible,” ayon pa kay Dumpit.
Kaugnay nito, ayon kay Dumpit sakaling simulan na ang pagbabalik ng death penalty sa bansa, dito sila kikilos kasama ang iba’t-ibang human rights group para iprisinta ang mga lalabagin nila sa nasabing kasunduan.
“When the time comes that this proposal is on the table we will present our position and let them know of the consequences if they will pass it,” ayon pa sa CHR commissioner.
Samantala, dumalo si Dumpit sa 6th World Congress Against Penalty nitong June 21 hanggang 23 sa Oslo Norway kung saan dito nililinaw ang kahalagahan ng buhay at ng karapatang pantao maging ng mga nahatulan.
Ayon kay Dumpit, binigyang diin sa pagtitipon na minsan biktima rin ang mga tinatawag na kriminal dahil sa pagiging ‘imperfect’ ng sistema ng katarungan.
“Yung mga natutunan natin dun is really just an affirmation of what we already know na ang death penalty ay hindi deterrent, ito po ay napaka cruel na punishment sa isang tao na puwedeng magbago at ang isang tao na base sa ating karanasan most likely ay mahirap na hindi naka put-up ng proper descent at may mga infirmities sa kanyang pag-amin sa krimen kasi hindi naaayon sa tamang paraan ng pag-iimbestiga at paghuli sa isang suspek at marami all over the world even in the most sophisticated justice system, ang justice system natin is imperfect, very hard to convict somebody with 100% accuracy assuming that they are guilty but even if they are…” ayon pa sa CHR commissioner.
Ginaganap ang World Congress Against Death Penalty kada ikatlong taon at nang magsimula ito 18 taon na ang nakalilipas pitong mga bansa lamang ang nagtanggal ng parusang bitay na ngayon ay umabot na sa 140.
Sa social doctrine of the Church, ang kapatawaran pa rin ang dapat manaig at hindi ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga sangkot sa karumal-dumal na krimen lalo na at hindi rin ito akma sa Christian values at nananatili ang Simbahan sa pagsunod sa utos ng Diyos na “Thou shall not kill.”