199 total views
Nanindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na hindi kailanman tugon ang pagpaslang maging ng mga Kriminal upang makamit ang ganap na Katarungang Panlipunan.
Ito ang pahayag ng Kumisyon sa paggunita sa ika-12 Anibersaryo ng abolition ng Death Penalty o parusang kamatayan sa Pilipinas noong 2006.
Ayon kay Bro. Rudy Diamante, Executive Secretary ng CBCP– Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, kailanman hindi magiging tugon ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa patuloy na lumalalang Kriminalidad sa Bansa.
“As we commemorate the 12th anniversary of the abolition of death penalty in the Philippines last June 24, we recall the sacredness and the fundamental right to life of all human beings enshrined in Gospel and the UN Universal Declaration of Human Rights.” pahayag ni Diamante.
Tiniyak naman ni Diamante ang patuloy na paninindigan laban sa parusang kamatayan lalo na sa muling pagsusulong ng ilang mga mambabatas sa pagbabalik ng Death Penalty sa Bansa.
Paliwanag ni Diamante, kung muling ibabalik ang parusang kamatayan sa bansa ay maraming mga pagkakataon na maaring hindi ito tunay na makapagparusa sa tunay na mga Kriminal o nagkasala dahil na rin sa kawalan ng patas na pag-iral sa batas sa mga mahihirap.
“We stand by our belief that any deprivation of the right to life will not gain justice for all. Rendering the death penalty as a means to obtain justice simply does the opposite as recent history has proven. The death penalty has not deterred criminality and has even spurred more injustice by killing the innocent, those wrongly accused, those without proper defense and those who have been deprived of the opportunity to reform and restore the injury they caused others. This is because ours is a system of justice replete with human errors.” Dagdag pa ni Diamante
Iginiit ni Diamante na patuloy na magkakaisa ang iba’t ibang mga sektor na nagsusulong sa karapatang pantao at kasagraduhan ng buhay na kilalanin at respetuhan ang Republic Act 9346 An Act Prohibiting the Imposition of Death Penalty in the Philippines, ang nilagdaang batas ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong June 24, 2006 na opisyal na nagbubuwag sa parusang kamatayan sa Bansa.
Dahil dito muli ring nanawagan si Diamante sa mga mambabatas na huwag ipasa at muling isabatas ang Death Penalty sa Pilipinas na isang tahasang paglabag sa dignidad ng tao, pagkakataong muling makapagbago at buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa.