457 total views
Maliwanag ang kautusan ng Diyos na ‘Huwag Kang Papatay’ na siyang binigyan diin ng kanyang Kabanalan Francisco laban sa pagtutol sa ‘death penalty’.
Ito ang pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos kasabay na rin ng panawagan ni Pope Francis sa lahat ng bansa na isantabi ang batas na nagpapataw ng ‘Capital Punishment’.
“God is clear. And it His is commandment, the 5th “thou shalt not kill.” God gives life. He is author of life, and only one who has authority over life. The Holy Father reaffirms the value of life, reiterates life must be saved, promoted and preserved. As saying goes ‘Rome has spoken’ so no more discussion. We follow Rome. We obey God,” ayon pa kay Bishop Santos.
Ipinaliwanag ni Bishop Santos na ipinapaalala ng Santo Papa na ang atas ng Panginoon ay ang paggalang at pangangalaga sa buhay ng tao.
Naunang binigyan diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na dapat nang i-archive ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado ang panukalang death penalty.
Read more: Tuluyan ng i-archive ang panukalang Death penalty.
Iginiit din ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry na dapat isulong ng pamahalaan ang restorative justice sa mga nagkasala sa halip na death penalty.
Read more: Simbahan sa pamahalaan at mambabatas, isulong ang restorative justice hindi death penalty
Nanindigan din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na hindi dapat binibigyang katwiran ng pamahalaan ang pagpatay.
Read more: Opisyal ng CBCP, dismayado kay Senador Pacquiao
Taong 2006 nang i-abolish ang death penalty sa Pilipinas ng noo’y si pangulong Gloria Arroyo. Habang higit na sa 100 bansa sa buong mundo ang hindi na nagpapatupad ng parusang bitay.