1,833 total views
Nagsimula na ang Philippines-Australia Amphibian Defense Exercises o ‘ALON EXERCISE’s.
Ito ay pagbabahagi ng defense forces ng dalawang bansa ng kasanayan at impormasyon sa pangangalaga ng land, air at water security ng Pilipinas.
“The said bilateral exercise will help enhance regional security through cooperation and partnership. It will further enhance interoperability and readiness to respond to shared security challenges, tt will be an avenue for shared commitment to a peaceful, prosperous and resilient Indo-Pacific Region.” ayon sa ipinadalang mensahe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office sa Radio Veritas.
111 uniformed personnel mula sa A-F-P ang nakibahagi sa pagsasanay kasama ang Australian Defense Forces.
Bahagi ng ALON EXERCISE ang amphibous training na idaraos sa North at West Luzon Command Centers na pangungunahan ng Philippine Navy, Philippine Marine Corps, Philippine Airforce at Philippine Army.
Unang ipinaalala ng Military Ordinariate of the Philippine na palaging isipin ang ikabubuti ng hanay ng ating Hukbong Sandatahan tuwing magkakaroon ng kaparehong gawain katuwang ang ibang bansa