208 total views
Dapat managot ang Benguet Mining Corporation at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagkamatay ng higit sa 50 minero at marami pang nawawala sa isang minahan sa Itogon,Benguet.
Ayon kay Jaybee Garganera ng Alyansa Tigil Mina, taong 2017 nang puntahan ang minahan ng DENR at ng Mines and Geosciences Bureau.
“Kinansela na ang kontrata nyan, kaya wala na dapat nag-ooperate dyan. Palagay ko po may pananagutan ang DENR, bakit hanggang ngayon merong pa ring pagmimina?,” ayon kay Garganera.
Kabilang sa mga nakuhang katawan sa gumuhong bunkhouse ang ilang mga bata na anak ng mga minero na silang nagbubutas sa mga bundok.
Ang Itogon Mines ay pag-aari ng Benguet Mining Corporation na kabilang sa 23 mga minahan na unang ipinag-utos na ipasara ni dating Environment Secretary Gina Lopez noong 2017.
Sinabi ni Garganera na base sa Auditing ng ‘mine audit’ ay wala ng operation ang Benguet corporation subalit ipina-subcontract ang minahan ng ginto sa mga small scale miners na ipinagbabawal sa batas.
“Practically abandon mine yan. Pero hindi pa po siya naidedeklarang abandon kasi buhay pa ang kontrata nya. Ang ilegal po na nangyari ay pina-subcontract sa small scale miners,” ayon kay Garganera.
Pebrero noong nakaraang taon, pinuri ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapara ng 23 minahan sa bansa dahil sa laki ng pinsalang dulot nito sa kalikasan.
Read: Cancellation ng 75-mining contracts, ipinagbunyi
Sa isang mensahe ng kaniyang Kabanalan Francisco sa ensiklikal na Laudato Si, binigyan diin nito na hindi dapat ipagpalit sa kaunlaran ang kaligtasan ng kalikasan at mamamayan.