138 total views
Nangako ang Volunteers Against Crime and Corruption na magiging mahigpit ito sa pagbabantay sa mga kalakaran sa loob ng Department of Environment and Natural Resources matapos lumagda ang dalawang panig sa isang kasunduan sa pagsugpo ng kurapsyon.
Ayon kay Dante Jimenez,founding chairman at President ng VACC, bilang katuwang ng DENR ay mayroon silang pagkakataon na masilip ang lahat ng transaksyon ng ahensiya.
Tinitiyak ng VACC na legal at walang katiwaliang nagaganap mula sa District, Regional at National level ng DENR.
Dagdag pa ni Jimenez, bibigyan na rin ng importansya ng DENR ang ginagawang monitoring ng VACC sa kanilang mga bureau directors at pag-aaralan ang anumang iregularisasyon na mapapansin sa loob ng ahensya.
“Ang VACC have been deputize by the DENR based dun sa MOA namin, kami ay magiging very active sa pagtitingin whether yung mga rules and regulations ay tama at sinusunod ng mga regional directors at ng mga officers ng DENR so importante na mamonitor kase para ma proteksyonan ang ating environment, so being deputize puwede po kaming magsumbong mag-file ng complaint, bibigyan po ng priority ni Secretary Cimatu,” pahayag ni Jimenez
Batay sa Annual Corruption Perceptions Index noong 2016 ay nasa pang 101 pwesto ang Pilipinas mula sa 176 na mga kurap na bansa sa buong mundo. Bumaba naman ito kumpara sa naunang pwesto ng noong 2014 na pang 85 mula sa 175 mga bansa.
Matatandaang isa sa pangunahing adbokasiya ng administrasyong Duterte ang pagsugpo sa kurapsyon sa bansa, kaya naman pinuri ni Lingayen Dagupan Abp Emeritus Oscar Cruz ang pagiging malinis at tapat sa taumbayan ng intensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang lahat ng bahid ng kurapsyon sa pamahalaan.