433 total views
Humingi ng tulong-panalangin ang Department of Education (DepEd) sa publiko para sa ikatatagumpay ng unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 program na sisimulan ngayong June 13, 2016.
Ayon kay DepEd secretary Armin Luistro, kahit ano pang paghahanda, nagkakaroon pa rin ng kakulangan o aberya ito sa mismong implementasyon ng programa
Nasa 1.3 milyon ang nagparehistro ng senior high school (Grade 11) habang nasa 130,000 pa ang hindi pa nagpapatala.
Hiniling din ng kalihim ang kooperasyon ng mga estudyanteng hindi pa nagpapatala na makipag-ugnayan sa kanilang school DepEd Division o sa principal upng matulungan sila kung saang eskluwelahan mag-enrol.
“First nationwide implementation, ang hamon na haharapin, mga nag-early registration na grade 10, 1.3 milyon na lahat lahat na, 10% dito or 130,000 hindi nag-register so hinihingi ko sa mga principal na tulungan ang lahat na maka-enrol, if may naghahanap pa, ang school deped division office o principal ng senior high matutulungan sila if san sila pede mag-enrol.” Pahayag ni Luistro.
Kaugnay nito, tinatayang nasa 50,000 vouchers na ang naipalabas ng DepEd para sa mga senior high school kung saan sa Metro Manila nasa halagang P22,500 ang matatanggap sa buong taon ng bawat estudyante at P17,000 sa mga lalawigan.
Una ng tinutulan ni CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Manila auxiliary bishop Broderick Pabillo ang pagpapatupad ng K to 12 program dahil maraming guro sa kolehiyo ang mawawalan ng trabaho.
Sa kasalakuyan, tumatanggap ang DepEd ng mga aplikanteng guro na 31,000 kung saan nakatakda ang kanilang orientation sa Mayo para sa pagpapatupad ng K to 12 program.