347 total views
Tiniyak ng liderato ng Kamara ang pagtalakay at pagpapatibay ng panukala kaugnay sa digitalization ng pamahalaan sa pagbabalik ng sesyon sa November 7.
Sa katunayan, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, sinimulan na rin sa Mababang Kapulungan ang digitalization program para sa mas mabilis na serbisyo publiko at maiwaksi ang red tape sa mga government transaction.
“Digitalization is evidently the most efficient solution to the gap in the delivery of government services,” ayon pa kay Romualdez.
Ayon pa kay Romualdez, bumuo na rin ng House Committee on Information and Communication Technology na pinamumunuan ni Navotas Representative Tobias Tiangco ng technical working group upang pag-isahin ang parehong panukala- ang E-Governance Act at E-Government Act.
Si Romualdez ang pangunahing may akda ng House Bill (HB) No. 3, o ang E-Governance Act of 2022.
Nakikiisa rin ang Kamara sa layunin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gawain ng pamahalaan at paghahatid ng serbisyo sa mas mabilis, mahusay at transparent sa pamamagitan ng digital platform.