599 total views
Digitalization ng mga government transactions at online bankings ang isa sa mga pangunahing adhikain ni Presindetial Aspital Doctor Jose Montemayor Jr.
Ayon kay Montemayor, ang Digitalization ng mga isinasagawang transactions katulad ng pagbabayad bilang miyembro ng Philippines Health Insurance Corporation (PhilHealth) at iba pang pampublikong sangay ng pamahalaan ay makakatulong sa transparency o pagbibigay alam sa mamamayan kung saan at papaano ginagastos ng pamahalaan ang pero ng taumbayan.
“we have to go on digitalization para yung mga government transactions, magkaroon tayo ng transparency talaga atsaka walang leakages kaya ayaw kaya i-digitalize ang philhealth kasi nga yung mga pagnanakaw diyan para kasi magpapatuloy, so all the government transactions course of BIR, LRA yung mga lahat, we have to digitalized everything na madali naman yan if we have the will,” ayon sa panayam ni Montemayor sa Catholic E-Forum ng Radio Veritas.
Kasama din sa Adhikain ni Montemayor ang pagpapatigil sa BUILD BUILD BUILD Project ng Kasalukuyang Administrasyong Duterte.
Ito ay dahil ginagamit ng mga pulitiko ang pagpapatayo ng mga imprastraktura bilang paraan ng korapsyon kung saan ang mga kalsadang nasa maayos na kondisyon ay sisirain.
“ipapatigil natin yung mga infrastructure project puro kalokohan lang yung BUILD BUILD BUILD, tignan niyo po itong mga roads natin, maghuhukay bagong-bago yung daan huhukayin nanaman wawasakin after 6months, after 1 year ginagawang gatasan ng mga pulitiko, ang mga local officials itong mga infrastracture projects,” ani montemayor.
Sinabi ni Montemayor na dapat ayusin ang nabanggit na suliranin.
“ipapatigil natin yan we have to give priority sa social welfares na issue ng ating bansa, sa mga mahihirap we have to address their real need, yung social welfare natin pagdating palang sa mga ayuda hati hati na so ano pang matitira sa ating mga kababayan wala talaga,” ayon pa kay Montemayor.
Patuloy naman ang Paanyaya ng Radio Veritas sa bawat mamamayan na subaybayan ang Catholic E-Forum na matutunghayan tuwing Lunes Hanggang Biyernes simula ika-8 hanggang ika-10 ng umaga.
Ang CAtholic E-forum ay bahagi ng voters education campaign na One Godly Vote bilang paghahanda sa nalalapit na halalan Tampok ang mga kandidato sa pinakamataas na posisyon ng pamahalaan- o ang mga tumatakbo sa pagkapangulo, ikalawang pangulo at mga senador.