Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 87,584 total views

Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan?

Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng senior citizen na PWD ang pinag-tripan ng kanyang lalaking apo habang nagtatawanan ang iba niyang kasama. Nangyari ito sa Antipolo, Rizal. Gamit ang tuhod niya, inangat-baba ng lalaking apo ang kanyang lola habang hawak niya siya sa magkabilang braso. Bagamat hindi nagsalita ang lola, makikitang nasaktan siya noong maglakad siya palayo nang mabagal at hawak ang kanyang braso. Inireklamo sa barangay ng pamangkin ng lolang PWD ang ginawa ng lalaki. Napag-alaman ding madalas itong mangyari, dahil nakasanayan na daw ng lalaking apo na makipaglaro sa kanyang lola, pero ngayon lang ito nakuhanan ng video. Para sa nagreklamong kaanak, hindi na ito laro o biro lamang dahil makikitang nasaktan ang lolang PWD.

Wala pang isang linggo, isang video ng isang babaeng PWD sa Pasig ang nag-viral. Sa video, sinabi niya na walang suportang ibinibigay ang kasalukuyang mayor ng Pasig sa mga PWD, kaya ang kalaban ng alkalde daw ang kanyang iboboto. Nadismaya ang pamangkin ng PWD sa video. Aniya, offensive ang nangyari dahil sinamantala ang kahinaan ng kanyang tiyahin para gamitin sa pamumulitika. Sabi naman ng nanay ng PWD, distressed o nababahala ang kanyang anak ngayon dahil sa nangyari. Hindi raw kasi alam ng PWD na ito ay ipo-post. Nagpunta lamang siya sa kabilang barangay upang makakuha ng libreng bigas mula sa isang tumatakbong kandidato, at sinabihang kailangan siyang kunan ng video bago umuwi.

Nakasaad sa Magna Carta for Disabled Persons na bawal kutyain at gawing katatawanan ang mga PWD. Sakop din ang mga PWD ng Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na nagbabawal sa pananamantala ng kanilang kondisyon. Sa dalawang batas na ito, binibigyang-halaga ang pagkakaroon ng isang lipunan kung saan makapamumuhay ang mga PWD nang malaya at may dignidad. Kabilang dito ang pagrespeto sa kanilang mga karapatan at pagbibigay sa kanila ng mga oportunidad upang mapabuti ang kanilang mga sarili.

Sabi nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, hindi lang dapat pag-aalaga sa mga PWD ang ating inaalala, kundi pati ang pagtiyak sa kanilang aktibong partisipasyon sa kanilang pamayanan. Ibig sabihin, hindi natin dapat tingnan ang mga PWD bilang mga passive recipients o tagatanggap lamang ng ating habag at tulong. Sila dapat ay tinatrato bilang mga taong may likas na halaga at kakayanang mag-ambag sa lipunan.

Makikita natin itong nangyari sa kuwento ni Bartimeo sa Ebanghelyo ni San Marcos. Nang mapansin ni Hesus ang bulag na si Bartimeo, pinalapit Niya siya at tinanong, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” Sumagot si Bartimeo, “Guro, gusto ko pong makakitang muli.” Bagamat obvious naman ang pagiging bulag ni Bartimeo, binigyan pa rin siya ni Hesus ng pagkakátaóng sabihin ang kanyang pangangailangan, isang aksyong nagbigay-dignidad kay Bartimeo bilang isang tao.

Mga Kapanalig, gaya ng ginawa ni Hesus kay Bartimeo, bigyang-lakas natin ang ating mga kapatid na PWD. Hindi sila dapat pagsamantalahan, gawing katatawanan, o tingnan lamang bilang mga alagain na walang kakayahang mag-isip. Hindi sila manhid o mangmang. Karapat-dapat na sila ay makita at irespeto bilang mga indibidwal na may dignidad at may mga karapatan, kasabay ng ating pagiging sensitibo sa kanilang mga pangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Dignidad ng mga PWD

 87,585 total views

 87,585 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 98,783 total views

 98,783 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Kahinahunan

 121,214 total views

 121,214 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 139,942 total views

 139,942 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 98,784 total views

 98,784 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 121,215 total views

 121,215 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 139,943 total views

 139,943 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 147,695 total views

 147,695 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 155,866 total views

 155,866 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 170,347 total views

 170,347 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 174,290 total views

 174,290 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 65,043 total views

 65,043 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 79,214 total views

 79,214 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 83,003 total views

 83,003 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 89,892 total views

 89,892 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 94,308 total views

 94,308 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 104,307 total views

 104,307 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 111,243 total views

 111,243 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top