349 total views
Ilalaan ng Diocese of Legazpi sa tuluyang pagtatapos ng COVID-19 pandemic at maging para sa kapayapaan sa pagitan ng Israel at Palestine ang pananalangin ng Santo Rosaryo sa nakatakdang Diocesan Holy Rosary ng diyosesis.
Ayon kay Legazpi Bishop Joel Baylon, bukas ang online diocesan spiritual activity ng diyosesis para sa lahat ng mga nais na makibahagi sa pananalangin ng Santo Rosaryo para sa parehong mga intensyon ng kaayusan, kaligtasan at kapayapaan para sa lahat sa buong daigdig.
“I invite everyone to join this online diocesan spiritual activity. While we pray together for an end of the pandemic, let us also include in our intentions to end the ongoing conflict in Israel and Palestine that they may both gain lasting peace.” ng paanyaya ni Bishop Baylon.
Nakatakda ang Diocesan Holy Rosary ng Diocese of Legazpi ngayong araw kasabay ng Feast of Mary, the Mother of the Church na gaganapin sa Albay Cathedral ganap na alas-singko ng hapon.
Maaring makibahagi sa pananalangin ng Santo Rosaryo ng Diocese of Legazpi sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Radyo Veritas Legazpi at sa iba pang social media accounts ng diyosesis.
“Today, May 24, 2021, the Feast of Mary, the Mother of the Church, we will have our DIOCESAN HOLY ROSARY at 5:00 in the afternoon at the Albay Cathedral. This simultaneous recitation of the Rosary will be live-streamed through Radyo Veritas Legazpi and other media outlets.” Pagbabahagi ni Bishop Baylon.
Ang online diocesan spiritual activity ng Diocese of Legazpi ay bilang tugon na rin sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na taimtim na manalangin ng Santo Rosaryo ngayong buwan ng Mayo upang hingin ang paggabay at pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang tuluyan ng mawakasan ang COVID-19 pandemic.