461 total views
Nanawagan ng tulong ang Social Action Center ng Diocese of Kidapawan sa mga mabuting samaritano na magbigay ng bigas at donasyon sa mga magsasaka na nakararanas ng gutom matapos na hindi ma – i-release ang nasa 15,000 sako ng bigas para sa kanila na nauwi sa dahas at pagpaslang sa ilan sa kanila.
Ayon kay Rev. Fr. Peter Gerimiah, diocesan social action director ng Kidapawan City, kinakailangang matulungan ang mga magsasaka upang makauwi na sila ng mapayapa sa kanilang mga sakahan at maiwasan ng maulit ang nangyaring insidente noong Biyernes na ikinasawi ng 5 magsasaka.
“Inisyal na problema ay yung gutom kung may nais magbigay ng donasyon si Robin Padilla nagbigay ng personal na nagpadala. Pero kung merong iba na gustong magpadala ng bigas o suplay ng pagkain na pwedeng ipamigay sa mga nagra – rally pa upang makauwi na sila at tinitignan pa natin yung mga mas apektadong area,” bahagi ng pahayag ni Fr. Gerimiah sa Radyo Veritas.
Hiniling din ni Fr. Gerimiah sa mga awtoridad na maglabas ng kaukulang impormasyon o detalye sa mga nasawing magsasaka, ikinulong at nawawala upang maalis na ang pag – aalala ng kanilang mga pamilya.
Giit pa ng pari na magkaroon ng mapayapang negosasyon sa pagitan ng mga magsasaka at ng pamahalaan sa ikabubuti ng lahat.
“Bago sana dumating ang Sunday makuha na sana ang information sa kulang na kulang na information yun ang hinihingi sa awtoridad. Sila ang opisyal na magbigay ng bilang ng mga namatay, saan ang nasa ospital, at ang mga missing. Sa simbahan hinahanap ang information hindi sila pumapayag na lahat ng information ay ibigay na–hold ang information dahil maraming pamilya ang naghahanap sa simbahan. Maklaro ang impormasyon at magkaisa upang magkaroon ng balik–loob at ang damdamin ng tao ay mas mapayapa na magkasundo–sundo sa negotiations sa kabutihan ng lahat,” giit pa ni Fr. Gerimiah sa Veritas Patrol.
Gayunpaman, napagtanto ng Anakpawis Partylist na lima ang naturang namatay sa insidente Di nasa 89 na nawawala, kasama pa rito ang 116 na sugatan at 2 na nakaranas ng matinding torture.