307 total views
May 20, 2020-11:35am
Nais ng Diyosesis ng Balanga, Bataan na pasayahin ang mga kabataang may karamdaman upang maibsan ang kalungkutan at paghihirap na naranasan dulot ng tinataglay na sakit maging ang pangamba laban sa novel coronavirus.
Ayon kay Bishop Ruperto Santos mahalagang bigyan ng atensyon ang mga kabataan lalo na sa gitna ng krisis bunsod ng nakakahawang virus.
“In spite of their sufferings we have to bring not only hope and healing but also happiness to those children. Even with their fragile bodies we want to bring back smiles on their lips,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Nakipag-ugnayan si Bishop Santos sa kilalang ‘fastfood chain’ para mamahagi ng mga laruan at pagkain sa mga batang may cancer na kinakanlong ng diyosesis sa Residencia Sacerdotal-ang retirement home ng pari ng Balang. .
Binuksan ng diyosesis ang retirement home para sa mga batang may cancer nang italaga ang Bataan General Hospital para sa COVID-19 patients.
Nais ni Bishop Santos na maramdaman ng mga magulang ng 16 na kabataan na kaisa ang simbahan at pamahalaang panlalawigan ng Bataan sa kanilang kinakaharap sa gitna ng pandemya.
“It is our desire with this COVID-19 to make the parents feel that the Church in partnership with Provincial Government care and love them; we are their big brothers and sisters; Ours’ is ther home,” dagdag pa ni Bishop Santos.
Sa kabila ng mga saradong parokya, patuloy na kumikilos ang simbahang katolika sa Bataan sa pamumuno ni Bishop Santos upang abutin ang mga mamamayang nangangailangan sa gitna ng krisis at ihatid sa bawat tahanan ang presensya at dakilang pag-ibig ng Diyos sa paglingap sa kapwa.