193 total views
Nagpahayag ng pasasalamat ang Diocese of San Carlos, Negros Occidental sa pag-alay ng Araw ng Pagluluksa at Paglaban ng iba’t ibang denominasyon at sektor ng lipunan sa buong bansa bilang paggunita ng National Day of Mourning sa ika-20 ng Agosto.
Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, malaking bagay ang pagpapahayag ng suporta at pakikiisa ng taumbayan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa patuloy na karahasan sa Negros island.
Giit ng Obispo, patuloy rin ang pananalangin ng buong diyosesis upang tuluyan ng mawakasan ang karahasan sa lalawigan nang walang napaparusahan.
“We welcome that expression of solidarity and support being from Negros and being one of the shepherds we are grateful for this expression nationwide because it’s not just in one place but in important places in the country where people also are expressing solidarity, I’m also praying that sana nga mahinto na kasi hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil,” Ang bahagi ng Pastoral appeal ni Bishop Alminaza sa panayam sa Radyo Veritas.
Bilang paggunita ng National Day of Mourning isang Solidarity Mass ang isasagawa sa Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament o Sta. Cruz Church ganap na alas-2 ng hapon na pangungunahan ni Kalookan Bishop-emeritus Deogracias Iniguez– chairman ng Ecumenical Bishops Forum (EBF) na susundan naman ng ng mga programa sa Liwasang Bonifacio, alas-3 ng hapon.
Inaanyayahan ang mga dadalo sa pagkilos na magsuot ng itim na damit upang maipakita ang pakikibahagi sa pagdadalamhati at paninindigan laban sa nagaganap na karahasan, kaguluhan at kasinungalingan sa lipunan partikular na sa Negros island kung saan mula taong 2017 ay nasa 87-indibidwal na ang napapaslang na hindi pa rin nabibigyang katarungan.
Bukod sa Solidarity Mass at programa sa Liwasang Bonifacio, magkakaroon rin ng kasabay na mga pagkilos sa buong bansa kabilang na sa Albay, Camarines Sur; Camarines Norte, Sorsogon, Masbate, Cebu, Bacolod, Dumaguete, Jaro Cathedral sa Iloilo at maging sa Sydney, Australia kung saan magkakaroon ng candle light vigil.
Ika-28 ng Hulyo nanag magsimulang ang pagpapatunog ng kampana ng buong Diocese of San Carlos base sa Pastoral Appeal ni Bishop Alminaza na may titulong ‘Exhortation to Government to Act on Ending the Killings’ na nag-aatas sa lahat ng mga parokya, mission stations at religious houses sa diyosesis na magpatunog ng kampana tuwing alas-8 ng gabi hanggang sa tumigil ang karahasan sa lalawigan.