302 total views
Makikipag-ugnayan ang Diocese of Novaliches sa pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA
upang matalakay ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.
Pagbabahagi ni Rev. Fr. Tony Labiao, Vicar General for Pastoral Affairs ng Diocese of Novaliches, sa kasalukuyan ay mayroon nang ugnayan at kooperasyon ang diyosesis sa lokal na pamahalaan ng Quezon City at Philippine National Police kaugnay sa pagpapatupad ng isang Community based-rehabilitation program.
Sa kasalukuyan, inilipat ng Pangulong Rodrigo Duterte sa PDEA ang mandato na pangunahan ang kampanya upang sugpuin ang kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.
“Definitely kasi may maganda na kaming partnership sa CADAC, PNP dito sa area so ngayon ay may bagong development after ibigay sa PDEA (ang mandato na pangunahan ang Anti-Illegal Drugs operation ng pamahalaan) so definitely we will also work with the PDEA we will set a meeting and then how we can established effective partnership with PDEA and PNP kasi mahalaga yung papel nila sa programang ito…” pahayag ni Father Labiao sa panayam sa Radio Veritas.
Una nang lumagda sa isang pormal na kasunduan ang Diocese of Novaliches kasama ang lokal na pamahalaan ng Quezon City at Quezon City Police District upang mapalawig at mapatatag ang Community Based Drug Rehabilitation Program na Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago (CBDRP-AKAP) para sa mga drug personalities sa siyudad.