570 total views
Nanawagan ang Diyosesis ng Antipolo ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Sa liham Pastoral ni Antipolo Bishop Francisco De Leon ay kaniyang ipinarating sa bawat mananampalataya ang kahalagahan ng pagtulong para sa mga nawalan ng tahanan, naapektuhan at napinsala ng bagyo higit na ngayong Panahon ng Pasko kung saan mahalaga ang paggunita nito bilang isang nagkakaisang bansa.
Paalala ng Obispo na ang anumang halaga ay sasapat na upang makapaghatid ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo.
“In the spirit of Christmas, we call on our faithful to offer whatever amount they could give. We who have been spared by Typhoon Odette are called upon to lift those who are struggling to get up, Let us celebrate Christmas together as one nation and as one family,” ayon sa liham pastoral ni Bishop De Leon na pinadala ni Antipolo Social Action Director Father Bien Miguel sa Radio Veritas.
Pagbabahagi pa ni Bishop De Leon, ang mga donasyong ibibigay ay maaring direktang ihulog sa NASSA/CARITAS Philippines Bank Account na siyang direktang maghahatid ng tulong sa mga affected areas ng Bagyo.
“Caritas Philippines, the humanitarian and advocacy arm of CBCP. They are in charge of distributing the monetary assistance to the affected Dioceses, Metrobank CBCP Caritas Filipinas Foundation,Inc 632-7-632-02832-2, BPI CBCP Caritas Filipinas, Foundation,Inc 4591-0071-08,” ayon pa sa Liham.
Paalala din ni Obispo ang pagbibigay alam kay Father Miguel ng mga ipapadalang donasyon upang matiyak na maayos itong mailalagda ng Diyosesis ng Antipolo.
“Please notify Fr. Bienvenido Miguel, Jr., SAC Director, of the bank transfer for documentation purposes. {09178124623) or thru his Messenger account,” ani Bishop De Leon.
Ayon naman sa pinakahuling situation report ng NASSA/Caritas Philippines, ang mga Arkidiyosesis ng Caceres, Cagayan De Oro, Palo, at Cebu kasama ang mga Diyosesis ng Tagbilaran, Maasin, Bacolod, Dumaguete at Butuan ang ilan sa mga labis na nasalanta ng Bagyo Kung saan pangunahing pangangailangan ng mga evacuees ang suplay ng pagkain at malinis na mapagkukunan ng inuming tubig.