12,787 total views
Humiling ng panalangin ang Diocese of San Jose de Antique para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Bishop Emeritus Raul Martirez.
Sa pabatid ni Antique Bishop Marvyn Maceda pumanaw si Bishop Martirez nitong September 2 pasado alas onse ng gabi sa edad na 86 na taong gulang.
Si Bishop Martirez ay naordinahang pari noong March 1961 sa Archdiocese of Capiz.
Itinalaga ni St. John Paul II bilang obispo ng Antique noong January 5, 1983 at tinanggap ang episcopal ordination March 24 nang parehong taon.
Makalipas ang halos dalawang dekadang paninilbihan sa Antique nagretiro si Bishop Martirez noong March 16, 2002.
Patuloy na panalangin ang hiling ng diyosesis para sa yumaong obispo habang hinimok ang mamamayan na antabayanan ang ilalabas na schedule ng burol at paghahatid sa huling hantungan ni Bishop Martirez.
Bagamat nagretiro na sa paninilbihang obispo tumutulong si Bishop Martirez sa mga gawaing pamparokya lalo na sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa Christ the King Parish sa Greenmeadows sa Quezon City.