459 total views
Humingi ng panalangin ang Diocese of Bayombong para sa kagalingan ni Bishop Jose Elmer Mangalinao makaraang atakihin sa puso sa Amerika.
Sa pahayag ng diyosesis, sasailalim sa operasyon sa puso ang Obispo.
Tiniyak naman ng Diocese of Bayombong na nasa ligtas na kalagayan na ang obispo.
“We humbly ask for your prayers. Our Bishop Jose Elmer was rushed and admitted to the hospital due to difficulty in breathing. At present, our bishop is in stable condition but was advised to undergo coronary artery heart bypass this coming weekend,” pahayag ni diyosesis.
Kasalukuyang nasa Amerika si Bishop Mangalinao para sa Mission Appeal at iba pang mahalagang gawain.
Hiling ng diyosesis sa mga pari, religious communities at mananampalataya na isama sa mga panalangin ang matagumpay na operasyon at agarang paggaling ng pinunong pastol.
“We ask all our beloved priests, religious, and faithful to offer your masses, Holy Hours, and recitation of the Holy Rosary for the successful operation and fast recovery of bishop,” dagdag nito.
Nakiisa ang Radio Veritas 846 sa pananalangin sa kagalingan ni Bishop Mangalinao sa pamamagitan ng mga banal na misa sa himpilan tuwing alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali, alas sais ng gabi at alas dose ng hatinggabi.
Si Bishop Mangalinao ay nanilbihan sa Diocese of Bayombong mula 2018 at kasalukuyang chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education.