23,021 total views
Umaapela ng tulong ang Diyosesis ng Butuan para sa mamamayan ng Agusan del Sur at mga karatig na bayan na lubhang apektado ng pagbaha dulot ng patuloy na pag-uulan.
Inilunsad ng diyosesis ang Ayuda Agusan sa pangunguna ng Humanitarian Action Against Disaster-Today & Always (HAAD-TA) Program ng Diocese of Butuan Commission on Social Action.
Higit na kailangan ng mga apektadong pamilya at residente ang pagkain tulad ng bigas, canned goods, at bottled water; hygiene kits, at mga kagamitan para sa pansamantalang masisilungan.
Sa mga nais magpadala ng in-kind donations, maaari itong dalhin sa drop-off center sa Social Action Center-Justice & Peace Office, Bishop’s Residence, Kilometer 6, Ampayon, Butuan City.
Tumatanggap din ng cash and check donations ang diyosesis na maaaring ipadala sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines, E. Luna Branch account na Roman Catholic Bishop of Butuan, Inc. sa account number na 5942-11110-98.
Para naman sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang kay Butuan SAC Director Fr. Stephen Brongcano sa numerong 0918-957-3492.
Mahigpit namang pinapaalalahan ang publiko na mag-ingat laban sa iba’t ibang uri ng scam o panloloko na layong manlinlang at makapanghamak ng kapwa.