Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Gumaca, nanindigan laban sa Peoples Initiative

SHARE THE TRUTH

 35,306 total views

Mariing nanindigan ang mga lingkod ng Simbahan at mga lider ng layko sa Diyosesis ng Gumaca laban sa isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Sa isinapublikong pahayag ng diyosesis na pinagkaisahan at nilagdaan ng 107 na mga pari, mga madre, seminarista at lider-layko ng Gumaca ay kinumpirma ang nangyaring pangangalap ng lagda sa mga lugar na nasasakop ng Diyosesis ng Gumaca.

Ayon sa pahayag, may mga pagkakataon na hindi malinaw at hindi ipinapaliwanag sa karaniwang mamamayan kung ano ang kanilang nilalagdaan kung saan may ilang mga lugar din na namimigay ng ayuda kapalit ang pirma.

Pagbabahagi ng diyosesis, makikita na sa pamamaraan pa lamang ng pangangalap ng pirma ay mayroon ng panlilinlang, pananamantala at kawalan ng katarungan.

“Kumpirmado ang nangyaring pangangalap ng pirma sa mga barangay na nasasakupan ng Diyosesis ng Gumaca. May mga pagkakataong hindi ipinaliwanag ang tunay na dahilan ng pirmahan. May mga dokumentong hindi nakasulat nang malinaw at naiintindihan ng karaniwang mamamayan kung para saan ito. Sa ilang mga lugar, namigay pa ng ayuda kapalit ng pirma… Mukhang pinili din ang mga pinapirma: iyong mga hindi na nagtanong o kaya ay nag-usisa. Sa pamamaraan pa lamang, mapapansin na ang panlilinlang, pagsasamantala at kawalan ng katarungan.” pahayag ng Diyosesis ng Gumaca.

Nanawagan naman ang diyosesis sa mga opisyal ng bayan partikular na sa mga kongresista na huwag gamitin ang naturang mga nakalap na pirma bilang batayan ng people’s initiative.

Mariing ding umapela sa bawat mamamayan ang mga lingkod ng Simbahan na iwasang lumagda sa anumang dokumentong hindi malinaw kung para saan sa halip ay maging mapanuri.

“Kaming mga pari at lider-layko ng Diyosesis ng Gumaca ay nananawagan sa mga opisyal ng ating bayan, lalo na sa ating mga kongresista, na huwag gamitin ang mga pirmang nakalap bilang batayan ng people’s initiative. Nananawagan din kami sa ating mga kababayan na iwasan ang pagpirma sa ano pa mang dokumentong hindi malinaw ang paglalaanan. Huwag po kayong mahiyang magtanong at mag-usisa; karapatan po ninyong maunawaan ang inyong pipirmahan.” Dagdag pa ng Diyosesis ng Gumaca.

Pinaalalahanan din ng diyosesis ang mga mamamayan na agad na ipagbigay alam sa Munting Sambayanang Kristiyano (MSK) kung may mga nagbibigay ng ayuda kapalit ang pangangalap ng pirma.

Giit ng diyosesis, dapat na tutulan ang anumang pagsusumikap ng mga politiko na isulong ang Charter Change sapagkat walang dapat na baguhin sa Saligang Batas ng Pilipinas dahil ang problema ay nasa sistema at kultura ng katiwalian ng mga opisyal ng bayan.

“Tutulan din po natin ang patuloy na pagsusumikap ng mga politiko para sa Charter Change. Wala po sa Saligang-Batas ang problema, kundi nasa sistma at kultura ng korupsiyon sa ating bayan.” Ayon pa sa diyosesis.

Kaugnay nito nagpalabas na din ng pahayag ang Senado hinggil sa mariing pagtutol sa People’s Initiative (PI) para sa Charter Change (Cha-cha) na naglalayong amyendahan ang 1987 Konstitusyon kung saan pinangangambahan ng mga Senador na maipasa ng pagbabago ng Konstitusyon at maisantabi ang kanilang 24 na boto kumpara sa mahigit 300 boto ng mga kongresista.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Culture Of Service

 18,845 total views

 18,845 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan ang mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat dahil sa ibinibigay na totoong “culture of service”. Mismong si International Labor Organization (ILO) assistant Director General Manuela Tomei ang pumuri sa sipag

Read More »

Record High

 28,258 total views

 28,258 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero 2025… Umabot na sa 16.31-trilyong piso ang foreign at domestic debt (utang) ng Philippine government makaraang umutang ang pamahalaan ng Pilipinas ng 261.5-bilyong noong January 2025. Batay sa worldometer data

Read More »

Heads Will Roll

 46,904 total views

 46,904 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong kapalpakang ginawa ang alinmang sangay ng gobyerno lalu sa mga kontrobersiyal na pagkakamali ng isang opisyal ng pamahalaan. Well, gaano kaya katotoo ang pahayag na ito na mula mismo kay

Read More »

Negative campaigning

 49,063 total views

 49,063 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito ng Commission on Elections (o COMELEC) sa pagpapatutsadahan ng mga kampo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pag-endorso nila sa kani-kanilang manok sa

Read More »

No to mining

 66,397 total views

 66,397 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang mining project sa probinsya ng Kalinga. Nasa 4.4 bilyong piso ang ipauutang, na gagamitin para sa feasiblity study, pagtatayo ng mga kalsada, at skills-based training sa mga katutubong residente ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Spiritual renewal at pagbabalik-loob sa panginoon, isakatuparan ngayong Kuwaresma

 1,613 total views

 1,613 total views Inaanyayahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang mananampalataya na samantalahin ang panahon ng Kuwaresma para sa pagkakaroon ng spiritual renewal at pagbabalik-loob sa Panginoon. Ayon sa Arsobispo na siya ring chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Youth, nararapat na samantalahin ng bawat isa ang 40 araw ng Kuwaresma upang magbago, makipagkasundo,

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Sama-samang pananalangin sa kagalingan ni Pope Francis, panawagan ng Caritas Philippines

 1,631 total views

 1,631 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ang humanitarian, development and advocacy arm of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa pagbuti ng kalusugan at kagalingan ng Kanyang Kabanalan Francisco. Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalaga ang sama-samang pananalangin ng bawat isa para sa mabilis na paggaling ng punong

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Maging matalino sa pagboto, paalala ng Obispo sa botante

 2,923 total views

 2,923 total views Binigyang diin ni Malaybalay Bishop Noel Pedregosa na kaakibat ng pagmamahal sa Panginoon ang pagmamahal para sa bayan. Ito ang paalala ni Bishop Pedregosa na kasaping Obispo ng CBCP – Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), kaugnay sa kahalagahan ng partisipasyon ng bawat mamamayan sa nakatakdang 2025 National and Local Elections. Ayon

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Magbalik loob sa panginoon, panawagan ng CBCP sa mananampalataya ngayong kuwaresma

 2,854 total views

 2,854 total views Inaanyayahan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang bawat mananampalataya na samantalahin ang panahon ng Kuwaresma sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, ang panahon ng Kuwaresma ay isang pagkakataon upang magsisi, magbago

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 3,731 total views

 3,731 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa susunod na tatlong taon. Itinalaga ng TFDP Board of Trustees si Mr. Emmanuel C. Amistad bilang bagong executive director ng organisasyon para sa tatlong taong termino epektibo noong March 1,

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Malolos, naglabas ng guidelines sa layko na kakandidato sa 2025 midterm elections

 3,727 total views

 3,727 total views Naglabas ng gabay ang Diyosesis ng Malolos para sa mga layko na kakandidato para sa nalalapit na halalan at mga hakbang upang mapanatili ang paninindigan ng mga parokya na walang kinikilingan sa nalalapit na 2025 National and Local Elections. Sa inilabas na abiso ng PPCRV – Diocese of Malolos, binigyang diin ng pangunahing

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP, dismayado sa dumaraming kaso ng child abandonement

 5,074 total views

 5,074 total views Dismayado ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa mga kaso ng mga bagong silang na sanggol na basta iniiwan na lamang sa iba’t ibang mga lugar. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace bagamat hindi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Narito Ako, Kaibigan Mo online program, muling ilulunsad ng CBCP-ECPPC

 6,392 total views

 6,392 total views Inaanyayahan ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) ang mamamayan na subaybayan ang pagbabalik ng online program ng kumisyon na may titulong ‘Narito Ako, Kaibigan Mo’. Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio -chairman ng kumisyon, napapanahon ang muling pagbabalik ng programa sa paggunita ng Jubilee Year of Hope ngayong

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Benedictine nun, nanawagan sa mga Pilipino na aktibong makilahok sa halalan sa Mayo

 7,549 total views

 7,549 total views Nanawagan si Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB sa mamamayan partikular na sa mga kabataan na bumoto sa nalalapit na halalan sa darating na May 12, 2025. Ayon sa Madre, mahalaga ang aktibong pakikibahagi ng bawat isa upang makapaghalal ng mga opisyal ng bayan na tunay na makapagbabago at makapagpapabuti sa lipunan.

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mananampalataya, binalaan ng Diocese of Malolos laban sa mga pekeng Pari at Madre

 7,029 total views

 7,029 total views Nagbabala ang Diyosesis ng Malolos laban sa mga nagpapanggap na lingkod ng Simbahan na ginagamit ang pangalan ng mga pari ng diyosesis at ng Simbahang Katolika upang makapanglinlang ng mga mananampalataya. Ibinahagi ng diyosesis ang larawan ng Facebook at Messenger account ng nagpapanggap na si Msgr. Andres Valera – kura paroko ng Santo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECFL, ipinagdarasal ang tuluyang paggaling ni Pope Francis

 7,015 total views

 7,015 total views Nagpaabot ng panalangin si Malaybalay Bishop Noel Pedregosa para sa mabilis na paggaling mula sa karamdaman ng Kanyang Kabanalan Francisco. Ayon kay Bishop Pedregosa na kasaping Obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), kahanga-hangang ang ganap pagsasabuhay ni Pope Francis sa mga halimbawa ni

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Caritas Caceres, nanawagan ng PPCRV Volunteers

 8,406 total views

 8,406 total views Nananawagan ang Caritas Caceres sa Naga ng karagdagang mga PPCRV volunteers para sa nalalapit na 2025 Midterm Elections sa darating na May 12, 2025. Bahagi ng panawagan ng social action arm ng arkidiyosesis ang pakikibahagi sa pagsusulong ng pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan bilang kasapi ng

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Protektahan ang karangalan at karapatang bomoto mula sa mga pulitiko.

 8,383 total views

 8,383 total views Ito ang bahagi ng panawagan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa bawat mamamayan na maging matalino at responsableng botante sa nalalapit na 2025 Midterm Elections. Ayon sa Obispo, mahalaga ang paninindigan ng bawat isa upang mapangalagaan ang kanilang karapatan at dignidad bilang isang responsableng botante para sa kapakanan ng buong bayan. Pinaalalahanan ni

Read More »
Politics
Reyn Letran - Ibañez

Kalayaan, kaakibat ng responsibilidad

 4,844 total views

 4,844 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang responsibilidad na kaakibat ng tinatamasang kalayaan at demokrasya ng bansa matapos ang EDSA People Power Revolution noong 1986. Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Youth chairman at Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, ang kalayaang tinatamasa ng bansa sa kasalukuyan ay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP: Kalayaan Mula sa EDSA Revolution, may kaakibat na hamon at responsibilidad

 11,347 total views

 11,347 total views Binigyang-diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang malaking responsibilidad na kaakibat ng kalayaan at demokrasya na natamo ng bansa matapos ang EDSA People Power Revolution noong 1986. Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Youth chairman at Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, ang kalayaang tinatamasa ng Pilipinas ngayon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top