452 total views
Binuksan ng Diocese of Legazpi ang kanilang mga simbahan na maging pansamantalang tirahan ng mga residenteng maaapektuhan ng bagyong Rolly.
Hinimok din ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang mamamayan na buksan ang kanilang tahanan sa mga magsisilikas na residente.
Umaapela naman ng Obispo ng sama-samang pananalangin ng Oratio Imperata para sa kaligtasan ng lahat sa paparating na bagyong Rolly.
“As Typhoon Rolly approaches, we continue to pray the Oratio Imperata for Deliverance from Typhoons and other Calamities. Let us join our prayers with action, especially in welcoming to our churches and homes if we can our brothers and sisters who need evacuation shelter at this time,”mensahe ni Bishop Baylon
Ipinauubaya na rin ni Bishop Baylon sa mga kura paroko ang desisyon sa pansamantalang pagpapaliban ng mga Misa para sa kaligtasan ng mananampalataya pananalasa ng itinuturing ng PAG-ASA na super typhoon.
Hinikayat din ng Obispo ang mga Pari na makipagpulong sa Parish Disaster Response Committe para sa mabilis na paghatid ng tulong sa mga higit na nangangailangan at sa mga maaapektuhan ng bagyo.
“I leave to Pastors the decision to cancel particular Masses in their parishes. I also request that they convene their PCSC or Parish Disaster Response Committee (PaDReCom) and plan how to help the most vulnerable and affected. Forward your needs, concerns, and updates to our DCSC thru SAC and Veritas Legazpi. They are closely monitoring the situation and looking into how we can help our people, especially those most in need,” ayon sa Obispo.
Hiniling naman ni Bishop Baylon sa mamamayan na mag-ingat at maging handa sa banta ng bagyong Rolly.