408 total views
Ligtas at walang naitalang malaking pinsala sa Diocese ng Mati, Davao Oriental matapos maganap ang 7.1 magnitude earthquake kaninang madaling araw.
Nagpapasalamat si Mati Bishop Abel Apigo na bagamat malakas ang lindol ay wala naman itong idinulot na pinsala at panganib sa mga residente maging sa mga istruktura ng simbahan.
“Nag-update ang governor sa province at City Mayor ng Mati, sa awa ng Diyos wala namang big damages. So most probably nasa Pacific Ocean ang epicenter… Pinacheck namin ang mga simbahan, wala namang damages,” bahagi ng pahayag ni Bishop Apigo sa panayam ng Radio Veritas.
Samantala, dalangin naman ng Obispo na nawa’y patuloy na gabayan ng Panginoon ang bawat isa upang maligtas sa mga sakuna lalo na sa mga nagaganap na pagyanig.
“We continue to pray for the safety of our people as we experience here in Mati the heavy earthquake, 7.1 magnitude. We pray and thank the Lord that everyone is safe and there are no major damages. And we continue to implore the Lord to always keep us safe and under the mantle of his protection,” panalangin ni Bishop Apigo.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang 7.1 magnitude na lindol sa Davao Oriental nitong madaling araw ng Huwebes, kung saan naramdaman ang intensity IV sa Davao City.
Wala namang naitalang banta ng tsunami sa bansa, ngunit paalala ng PHIVOLCS na manatiling handa ang publiko sa posibleng epekto ng aftershocks.