Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Mati, umaapela sa pamahalaan sa malawakang mining siltation sa Mapagba at Pintatagan River

SHARE THE TRUTH

 469 total views

Umapela sa pamahalaan si Diocese of Mati Bishop Abel Apigo hinggil sa mining operations na naging sanhi ng malawakang siltation sa Mapagba at Pintatagan River sa Banaybanay, Davao Oriental.

Ayon kay Bishop Apigo, nawa’y pakinggan na ng pamahalaan ang matagal nang panawagang itigil ang pagsasagawa ng pagmimina sa lalawigan na sa halip na makatulong ay lalo lamang nag-iiwan ng matinding pinsala sa kalikasan at pamumuhay ng mga apektadong komunidad.

“‘Yung pag-lift sa mining moratorium ang nag-encourage na bumalik ang Riverbend Consolidated Mining Corporation (RCMC) para magpatuloy sa pagmimina dito sa Davao Oriental,” pahayag ni Bishop Apigo sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Apigo na noong nakaraang taon ay nagpasa na rin ng petisyon and Diyosesis upang mapigilan ang pagmimina sa lalawigan ngunit hindi pa rin ito binibigyang-pansin ng mga kinauukulan.

“Makapal ‘yung petition namin last year. Dinala namin kay President Rodrigo Duterte, kay Environment Secretary Roy Cimatu, then kay Honorable Cynthia Villar, kasi siya ang chairwoman ng Senate on Environment and Natural Resources, at tsaka sa Congress, kay Honorable Elpidio Barsaga Jr. Very painful kasi hindi nila pinapakinggan ‘yung problema at panawagan namin dito sa ground,” saad ng Obispo.

Binigyang-diin naman ng Obispo na hindi mananatiling tugon ang pagmimina sa pag-unlad ng lalawigan at ng bansa kung ang resulta naman nito ay pagkasira ng inang kalikasan at paghihirap ng mga tao.

Giit ni Bishop Apigo na mas makabubuting pagtuunan na lamang ng pansin ng pamahalaan ang pagpapanatili at pagsasaayos sa likas na yaman ng Davao Oriental na tiyak na makakatulong upang mapaunlad ang lokal na turismo ng lalawigan.

Aniya, ang pagpapanatili at pangangalaga din sa kalikasan ang magbibigay ng pagkakataon at karapatan sa mga susunod na henerasyon na matunghayan ang likas nitong kagandahan.

“Davao Oriental is rich and beautiful in terms of natural resources, mga dagat, beaches, and mountainsides. Please let us preserve this beautiful creation of God so the future generations can still enjoy the beauty of Davao Oriental,” ayon kay Bishop Apigo.

Sa kasalukuyan, naglabas na ang DENR-Davao ng cease and desist order at notice of violation para sa RCMC dahil sa pagkakasangkot sa insidente ng siltasyon sa ilog ng Mapagba at Pintatagan.

Magugunita naman nitong Disyembre 2021 nang bawiin ng Administrasyong Duterte ang nationwide ban on open-pit mining na nagbunsod upang muling makapagsagawa ng operasyon ang mga mining companies sa bansa.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 32,541 total views

 32,541 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 47,618 total views

 47,618 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 53,589 total views

 53,589 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 57,772 total views

 57,772 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,054 total views

 67,054 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

DTI at FDA, hinamong mag-inspection sa mga pamilihan sa Metro Manila

 73 total views

 73 total views Hinamon ng BAN Toxics ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Trade and Industry (DTI) na magsagawa ng pagsusuri sa mga pamilihan sa Metro Manila matapos matuklasan ang talamak na pagbebenta ng mga laruang may sangkap na lead sa Metro Manila. Natuklasan sa pagsusuri ng grupo na 41 mula sa 50

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, makikiisa sa One million children praying the Rosary

 303 total views

 303 total views Makikiisa ang Diocese of Imus sa pandaigdigang pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo para sa ganap na pagkakaisa at kapayapaan ng sanlibutan. Sa liham sirkular, hinikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga parokya, paaralan, institusyon, at pamayanan na tipunin ang mga kabataan upang makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayang apektado ng pagmimina, nanawagan ng rescue sa pamahalaan

 485 total views

 485 total views Nanawagan para sa agarang kaligtasan ang mga pamayanang apektado ng pagmimina sa mga lalawigan ng Palawan, Romblon, South Cotabato, at Surigao del Sur. Ayon kay Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) advocacy coordinator Maya Quirino, lumalaki ang pangamba ng mga apektadong pamayanan sa bansa kaugnay sa pagdami ng mga proyekto sa pagmimina

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nagpahayag ng pagbati sa kauna-unahang obispo ng Diocese ng Prosperidad

 792 total views

 792 total views Nagpahayag ng pagbati ang social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkakatalaga kay Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang unang obispo ng bagong tatag na Diyosesis ng Prosperidad sa Agusan del Sur. Nagagalak ang Caritas Philippines sa panibagong misyon ni Bishop Labajo ay magbubunsod upang higit na maipalaganap

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tao ang kayamanan ng Pilipinas-bishop Aseo

 2,064 total views

 2,064 total views Hinamon ni Tagum Bishop Medil Aseo ang mga lider ng pamahalaan na unahin ang kapakanan ng mamamayan lalo na ang mga katutubong nangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa. Ayon sa obispo, ang kayamanan ng isang bansa ay hindi dapat sukatin sa pisikal o materyal na yaman lamang, bagkus, ang tunay na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kahalagahan ng mga katutubo, kinilala ni Bishop Santos

 4,150 total views

 4,150 total views Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng mga katutubo sa pamamagitan ng kanilang mga kultura, tradisyon, at ambag sa lipunan. Ayon kay Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, ang mayamang kultura ng mga katutubo ay hindi

Read More »
Discuss Socio-Political Church Issues
Michael Añonuevo

UP-PGH chaplaincy, nagpapasalamat sa nakiisa sa Dugong Alay, Dugtong Buhay

 4,664 total views

 4,664 total views Nagpapasalamat si University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Chaplaincy head, Fr. Marlito Ocon, SJ sa mga blood donor at volunteers na nakibahagi sa isinagawang blood donation drive. Ito ang Dugong Alay, Dugtong Buhay na inorganisa ng Loyola School of Theology Student Council noong October 8 sa Loyola House of Studies sa Ateneo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagiging huwaran ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan, kinilala ni Bishop Aseo

 4,843 total views

 4,843 total views Binigyang-diin ni Tagum Bishop Medil Aseo ang mahalagang gampanin ng simbahan sa pagkilala at pagtugon sa pangangailangan ng mga katutubo, lalo na sa pangangalaga ng kalikasan. Ayon kay Bishop Aseo, dapat kilalanin ang kultura at ambag ng mga katutubo, na likas na mga tagapangalaga ng mga likas na yaman, at nagpapakita ng pamumuhay

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ika-4 na Bike for Kalikasan, isasagawa sa Visayas Region

 4,853 total views

 4,853 total views Mahigit 250 siklista at mga tagapagtanggol ng kalikasan ang nagtipon-tipon para sa 3rd Bike for Kalikasan sa Cagayan de Oro City noong October 5. Naging matagumpay ang gawaing inorganisa ng Caritas Philippines katuwang ang Archdiocese of Cagayan de Oro kung saan kabilang sa mahalagang bahagi ang makasaysayang deklarasyon ng climate emergency sa arkidiyosesis.

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ihinto ang pamumuhunan sa fossil fuel, panawagan ng Simbahan sa SMC

 5,907 total views

 5,907 total views Nananawagan sa San Miguel Corporation (SMC) ang Simbahang Katolika sa Pilipinas at stakeholders ng kumpanya na ihinto na ang pamumuhunan sa fossil fuels at lumipat na sa renewable energy. Sa pamamagitan ng Caritas Philippines, nagkaisa ang mga mga kasapi, iba’t ibang organisasyon, at social action centers ng simbahan, at stakeholders ng SMC upang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Opisyal ng CBCP, dismayado sa NCIP

 8,625 total views

 8,625 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples ang kahalagahan ng pagbibigay ng ancestral domain titles sa mga katutubo. Ayon kay Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, chairman ng komisyon, mahalaga para sa mga katutubo ang pagkakaroon ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang sila’y maging katuwang sa pangangalaga sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagsusulong sa kapakanan ng mga IP, pinagtibay ng simbahan at LGU’s

 8,400 total views

 8,400 total views Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga proyekto ng simbahan para sa kapakanan ng mga katutubo. Ayon kay Kalinga Governor James Edduba, layunin ng pakikipag-ugnayan na ipalaganap ang mahalagang misyon ng simbahan sa paghubog ng mga katutubong pamayanan, lalo na sa aspeto ng edukasyon. Binanggit ni

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa San Lorenzo Ruiz Parish Church sa Laguna

 9,374 total views

 9,374 total views Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa dambana sa San Ruiz Parish Church. Pinangunahan ni San Pablo Apostolic Administrator Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagtatalaga sa Dambana at Simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Sta. Rosa City, Laguna. Isinagawa ang pagdiriwang nitong September 27, bisperas ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, kung saan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Our Lady of Miraculous Medal parish, nilooban

 11,205 total views

 11,205 total views Naglabas ng pahayag ang Parish Pastoral Council ng Our Lady of the Miraculous Medal Parish (OLMMP) sa Project 4, Quezon City kaugnay sa insidente ng pagnanakaw sa parokya, kagabi. Napag-alamang nilooban at ninakawan ang parokya nang buksan ang simbahan nitong umaga ng Setyembre 27, kung saan kinuha sa kinalalagyan at sapilitang binuksan ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mag-ingat sa Holloween costumes at decorations na may halong kemikal, babala sa mamamayan

 11,166 total views

 11,166 total views Binalaan ng BAN Toxics ang publiko laban sa pagbili ng Halloween costumes at decorations na maaaring may sangkap na nakalalasong kemikal ngayong nalalapit na ang paggunita sa Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day. Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon, bukod sa nakakatakot na hitsura ng mga produkto, dapat ding

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top