13,428 total views
Itinatag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Diocese of Prosperidad na magpapastol sa mananampalataya ng Agusan Del Sur.
Kasabay nito itinalaga ng santo papa si Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang kauna-unahang obispo sa itinatag na diyosesis.
Inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ni Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na hatiin ang Diocese of Butuan upang higit mapangalagaan ang pastoral at espiritwal na pangangailangan ng nasasakupan.
Una nang sinabi ni Bishop Almedilla na missionary frontier ang Agusan Del Sur lalo na ang mga katutubong komunidad na bumubuo sa sangkatlo ng buong lalawigan.
Ang Diocese of Prosperidad ang ika 87 diyosesis ng Pilipinas na magiging suffragan diocese ng Archdiocese of Cagayan de Oro. Si Bishop Labajo ay itinalaga ni Pope Francis bilang auxiliary bishop ng Cebu noong June 2022 at ginawaran ng episcopal ordination noong August 19, 2022.