444 total views
Ginawaran ng pagkilala ng Parole and Probation Administration (PPA) ang Diocese of San Carlos, Negros Occidental dahil sa aktibong ambag ng diyosesis sa mga programa at inisyatibo ng institusyon para sa mga bilanggo.
Nasasaad sa pagkilala ang pagpapasalamat ng P-P-A sa diyosesis sa walang sawang pakikipagtulungan nito sa mga isinasagawang imbestigasyon at rehabilitasyon para sa mga probationers, parolees at pardonees na nagbibigay-daan sa mabilis at ganap na pagbabago ng mga ito .
Ayon sa pamunuan ng P-P-A, mahalaga ang ambag at partisipasyon ng Simbahan na naipamalas ng Diocese of San Carlos sa ganap na paggabay at pagpapanibago ng mga bilanggo.
Nagpapasalamat naman si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa natanggap na pagkilala ng diyosesis mula sa P-P-A.
Tiniyak rin ng Obispo ang patuloy na pagpapatatag sa Community-Based Rehabilitation Program ng diyosesis na tinaguriang K.A.A.B.A.G. (Kinabuhi Angay Ampingan, Bag-ohon Alang sa Ginoo) na higit na naging posible at epektibo sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng San Carlos at mga ahensya ng pamahalaan.
“For our Community-Based Rehabilitation Program called K.A.A.B.A.G. (Kinabuhi Angay Ampingan, Bag-ohon Alang sa Ginoo) in partnership with the LGU San Carlos and other Government Agencies like DSWD, DOH, DILG, PNP, BJMP, & DOJ — the Parole and Probation Administration (PPA) on its 45th Anniversary gave the Diocese of San Carlos this token of appreciation on July 22, 2021.” pahayag ni Bishop Alminaza.
Iginiwad ang pagkilala sa Diocese of San Carlos kasabay ng paggunita ng ika-45 anibersaryo ng Parole and Probation Administration (PPA) noong ika-22 ng Hulyo, 2021 na may temang “45 Years of Redeeming Lives and Restoring Relationships”.