296 total views
Nanawagan ang Caritas Sorsogon sa mamamayan ng karagdagang tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Tisoy.
Sa pahayag ng social arm ng Diyosesis ng Sorsogon, kinakailangan sa kasalukuyan ang karagdagang tulong upang maabot ang bawat pamilyang biktima ng bagyo.
“CARITAS SORSOGON formerly SORSOGON SOCIAL ACTION FOUNDATION INC., the welfare arm of the diocese of Sorsogon, is appealing for your benevolent heart to extend your assistance or aid (cash or in kind) that will help us augment resources intended for the needs of the families devastated by TY Tisoy in Sorsogon,” bahagi ng pahayag ng institusyon.
Samantala 60,000 pamilya ang nasalanta ng bagyo habang sa ulat naman ng Department of Agriculture ay 11-libong ektarya ng sakahan ng palay na nagkakahalaga ng 185 milyong piso ang nasira ng bagyo sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Sorsogon.
Patuloy ang Diyosesis sa pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na apektado ng bagyo upang alamin ang mga pangangailangan ng mamamayan kasabay ng pagsusuri na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan.
“Our organization has already conducted rapid assessment and coordination to some municipalities and even communities badly hit by typhoon. Presently the LGUs were doing their best to meet the needs of the affected populace, through relief distribution and providing immediate assistance to affected population but the scarce resources is not enough to defray the growing needs of the affected families.” pahayag ng Caritas Sorsogon
Sa mga nais magpaabot ng kanilang tulong maaring magsadya sa tanggapan ng Diocesan Pastoral Complex, Old Bishops House, 2F Chancery Building Magsaysay St. Brgy Almendras, Sorsogon City.
Matapos ang pananalasa ng bagyong Tisoy, nagpadala ang Caritas Manila sa Diocese of Virac Catanduanes ng 100,000 emergency financial assistance; 100K sa Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro; 200K sa Archdiocese of Nueva Caceres at 200K sa Diocese of Libmanan.
Nagpaabot naman ang Quiapo Church community ng 200K financial assistance sa Diocese of Romblon; 200K sa diocese of Legazpi; 100K sa diocese of Sorsogon; 100K sa diocese of Gumaca; 100K sa diocese of Catarman at 100K sa Archdiocese of Tuguegarao Cagayan.