702 total views
Nagbabala ang Diocese ng Tandag sa publiko kaugnay sa isang uri ng panloloko o scam na ginagamit ang pangalan ng simbahan.
Kaugnay ito sa kumakalat na Facebook message o text message mula sa lalaking nagngangalang Bro. Eduardo Galoso na nagpapakilala bilang seminarista mula sa kongregasyon ng Franciscans of Our Lady of the Poor.
Ayon sa abiso ng Diocese, nangangalap ito ng donasyon para sa kanyang ordinasyon, ngunit napag-alamang wala itong kaugnayan sa mga Fransiskano at iba pang kongregasyon sa bansa.
Samantala, kinumpirma naman ni Fr. Ricardo Panghulan, FLP, moderator ng kongregasyon na wala itong kaugnayan sa kanila.
“Ako ang moderator ng community, wala akong kilalang seminarista na ang pangalan ay Eduardo Galoso. Wala po siyang kaugnayan sa amin,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Panghulan sa panayam ng Radio Veritas.
Pinag-iingat naman ng pari ang publiko na mag-ingat at huwag basta-bastang maniniwala sa ganitong uri ng panloloko na maaari pang magdala ng kapahamakan sa iba.
Patuloy namang nagpapaalala ang simbahan na mag-ingat sa iba’t ibang paraan ng scam o panloloko ng mga kawatan na ginagamit ang mga programa at adbokasiya ng Simbahan upang makapangikil sa mga mananampalataya