3,584 total views
Humiling ng panalangin ang Diocese of Tarlac kasunod ng pagpanaw ni Bishop Enrique Macaraeg nitong October 23.
Ayon kay Tarlac Vicar General Fr. O’neal Sanchez, kasalukuyang nakalagak ang mga labi ng namayapang obispo sa San Sebastian Cathedral habang inihahanda ang iba pang detalye sa burol at libing.
“With grief and sadness in our hearts, we ask you to continue to pray for his eternal repose.” pahayag ni Fr. Sanchez.
Batay sa ulat, namatay sa cardiac arrest si Bishop Macaraeg nang mag-collapse habang naglaro ng basketball sa kanyang hometown sa Malasiqui, Pangasinan.
Si Bishop Macaraeg ay inordinahang pari noong May 19, 1979 sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan habang itinalagang obispo ng Tarlac noong March 2016.
Inordinahang Obispo ng May 24 ng parehong taon at pormal na iniluklok bilang ikatlong obispo ng diyosesis ng May 31, 2016.
Kasalukuyang pinamumunuan ni Bishop Macaraeg ang Episcopal Commission on the Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nakatakdang magsasagawa ng National Biennial Convention sa October 27 hanggang 29.
Kasunod ng pagpanaw ni Bishop Macaraeg nasa pitong diyosesis ang sede vacante sa bansa ang Diocese ng Alaminos, Baguio, Balanga, Gumaca, Ipil, San Pablo at Tarlac.