224 total views
Tiniyak ng Diocese of Tarlac ang pagtugon ng diyosesis sa panibagong Circular Letter 20-14 ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa pagtataas ng Public Health Emergency Code Red Sub-Level Two sa bansa dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 outbreak.
Ayon kay Tarlac Bishop Enrique Macaraeg, biglang tugon sa naturang tagubilin ng CBCP at maging sa direktiba ng Tarlac Provincial Government na iwasan ang malaking pagtitipon ay pansamantala munang sususpendihin ang pagsasagawa ng banal na misa sa buong diyosesis mula ika-15 hanggang ika-25 ng Marso.
Pinahihintulutan rin ang hindi pagdalo ng mga mananampalataya sa banal sa misa tuwing linggo subalit hinihikayat na manuod o makinig ng banal na misa sa pamamagitan ng radyo, internet at telebisyo upang tumanggap ng komunyong espiritwal.
“Considering the CBCP Circular Letter 20-14 and in line with the directive of Tarlac Provincial Government to avoid public gatherings of any size to prevent the spread of Covid 19, I hereby suspend the masses in all churches, chapels and schools of the parishes and pastoral stations of the Diocese of Tarlac starting March 15 until March 25, 2020. The faithful are dispensed from their Sunday obligation. However, they are encouraged to avail themselves of the internet, radio and television to celebrate the Holy Eucharist for their spiritual nourishment.” Ang bahagi ng tagubilin ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg.
Tiniyak rin ni Bishop Macaraeg ang pakikibahagi ng diyosesis sa pagpapatunog ng kampana tuwing alas dose ng tanghali at alas-otso ng gabi bilang hudyat ng sabay-sabay na pananalangin ng Oratia Imperata upang ipanalangin ang kaligtasan ng lahat ng mga may sakit at pagtuklas ng lunas sa COVID-19.
“Churches should be open. Church bells will also be rung daily at 12:00 noon and 8:00 PM to call the people to pray the Oratio Imperata.” Dagdag pa ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg.
Nauna na ring idineklara ng World Health Organization (WHO) ang COVID-19 na pandemic dahil sa nakaaalarmang paglaganap ng sakit sa iba’t ibang bansa na hindi dapat na ipagsawalang-bahala.
Batay sa tala, umaabot na sa halos 120-libo ang nagtataglay ng sakit mula sa may 114 na iba’t ibang bansa kung saan aabot na sa 4,300 ang nasawi na pinakamadami sa China na pinagmulas ng COVID-19.