3,785 total views
Umapela ang Diyosesis ng Virac sa Catanduanes ng pananalangin ng Oratio Imperata upang hilingin ang kaligtasan ng lahat mula sa epekto ng binabantayang Bagyong Kristine.
𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀
𝑷𝒓𝒂𝒚𝒆𝒓 𝒇𝒐𝒓 𝒅𝒆𝒍𝒊𝒗𝒆𝒓𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝑻𝒚𝒑𝒉𝒐𝒐𝒏 𝑲𝒓𝒊𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆
Almighty Father, we raise our hearts to You in gratitude
for the wonders of creation of which we are part,
for Your providence in sustaining us in our needs,
and for Your wisdom that guides the course of the universe.
We acknowledge our sins against You and the rest of creation.
We have not been good stewards of nature.
We have confused Your command to subdue the earth.
The environment is made to suffer our wrongdoing
and now, we reap the harvest of our abuse and indifference.
Global warming is upon us.
Typhoons, floods, volcanic eruptions and natural calamities
occur in increasing number and intensity.
We turn to You, our loving Father and beg forgiveness for our sins.
We ask that we, our loved ones and our hard-earned possessions
be spared from the threat of calamities, natural and man-made.
We beseech You to inspire us all to grow
into responsible stewards of Your creation,
and generous neighbors to those in need.
Amen.
Patuloy namang binabantayan ng social arm ng Diyosesis ng Virac ang epekto ng Bagyong Kristine sa lalawigan.
Ayon kay Caritas Virac director, Fr. Renato dela Rosa, ramdam na ang epekto ng bagyo sa lalawigan dahil sa pabugso-bugsong ulan at malakas na hangin, gayundin ang pagtaas ng antas ng tubig at malakas na pag-agos ng mga ilog.
“Nagsimula nang umulan dito sa aming lugar at malakas na rin ang agos ng mga ilog. Paminsan-minsan ay bumubugso ang ulan at malakas na hangin. Tumitigil saglit pero mamaya biglang ulan ulit tapos malakas ang hangin,” pahayag ni Fr. dela Rosa sa panayam ng Radio Veritas.
Tiniyak naman ni Fr. dela Rosa ang kahandaan at patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan para sa agarang pagtugon sa mga maaapektuhan ng Bagyong Kristine.
Sa huling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa buong lalawigan ng Catanduanes.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 335 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes at kumikilos patungong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin sa 65 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km/h.
Nasa Tropical Storm category na ang Bagyong Kristine na inaasahang lalakas pa sa typhoon category pagsapit ng Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga, bago ito mag-landfall sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan.