198 total views
Ang pagbubuo ng panibagong Disaster Office o Department of Disaster para tumutok sa paghahanda para sa anumang Kalamidad na maaring maganap sa Bansa ay dagdag Bureaucracy lamang sa Pamahalaan.
Sa halip, ipinaliwanag ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Senator Richard Gordon, mas nararapat na sanayin at disiplinahin ang bawat mamamayan kung ano ang naaangkop na maging tugon sa oras na mayroong maganap at magaganap kalamidad sa Pilipinas.
Iginiit ng mambabatas na dapat simulan ang pagsasanay at paghahanda sa mamamayan na maging aktibo sa oras ng Kalamidad.
“Ang kailangan natin, hikayatin ang mga mamamayan na matuto sa mga hamon ng Disasters at para magawa, pero kung lalagay ka na naman ng Disaster Office parang another Bureaucracy ang kailangan natin hanggang sa baba, hanggang sa Estudyante, hanggang sa Local Government, hanggang sa lahat ng tao sama-sama na magko-ccordinate talaga…” pahayag ni Gordon sa panayam sa Radyo Veritas.
Ang pagbubuo ng isang panibagong kagawaran na Department of Disaster sa mga panibagong planong inilahad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address.
Batay sa ulat ng United Nations lumalabas na ang Pilipinas ay panglima sa mga bansa na pinaka-nakakaranas ng kalamidad sa buong mundo, habang sa pag-aaral ng Global Climate Risk Index simula taong 1994 hanggang 2013 pang lima ang Pilipinas sa sampung bansang pangunahing naaapektuhan ng matinding pagkasira ng kalikasan.
Samantala sa bahagi naman ng Simbahan, bukod sa pagdarasal ang pangangalaga sa kalikasan at ang kaalaman sa paghahanda laban sa iba’t ibang sitwasyon ay dapat na isaalang alang ng Publiko para sa kaligtasan ng bawat isa.
Naunang tiniyak ng mga Social Action Centers na nakahanda ang Disaster Risk Reduction Response ng bawat Simbahan upang tulungan ang mga nangangailangan at maaring maapektuhang residente ng iba’t ibang mga kalamidad at sakuna sa Bansa.