2,706 total views
Tiniyak ng Department of Interior and Local Government na mas pinaigting ang disaster preparedness sa bawat munisipyo sa mga lalawigan sa bansa.
Ayon kay DILG secretary Ismael Sueno, maraming natutunan ang mga Pilipino sa patuloy na paghagupit ng mga malalakas na bagyo tulad ng super bagyong Yolanda tatlong taon na ang nakalilipas.
“Ang ganda ng mga ginagawa ng mga Local Governments natin, kasi itong mga opisyal natin sa DILG kapag may na monitor na sabi ng PAGASA this will become strong, ang DILG natin sige na yung tawag at advisory, please prepare! Please prepare! So tingnan mo kahit na malakas yung bagyong Lawin, konti lang ang namatay, ang nasira lang talaga na wala na tayong magawa, yung mga bahay saka mga roads,” bahagi ng pahayag ni Se. Sueno sa Radyo Veritas.
Kaya naman Ayon sa kalihim, tuloy tuloy ang training ng mga LGUs upang mas handa at makasabay ang mamamayan sa nagbabagong klima.
Dagdag pa ng kalihim, ang bawat munisipalidad ay tiyak na may sapat na disaster preparedness dahil kasama ito sa mga criteria upang makakuha ng seal of good governance.
“Para makapasa ka at mabigyan ka ng award ng Seal of Good Local Governance ay isang criteria na makapasa kayo sa Disaster Preparedness at talagang halos lahat ng munisipyo natin naka seminar at na-train sila kung anong gagawin, to be prepared for disaster,” dagdag pa ng kalihim.
Sa datos ng DILG halos 100 porsyento na ang kumpleto sa RAY Project o Recovery Assistance for Yolanda na may 3,591 projects.
Sa datos ng NASSA/Caritas Philippines noong 2015, ay umabot sa mahigit P3 bilyon ang halaga ng mga proyekto na kanilang naipagawa sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo at mahigit sa 20 porsyento ng kabuuang bilang ng mga nasalanta ang kanila ng natulungan.