Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 725 total views

Mga Kapanalig, tradisyon na ng maraming Katolikong Pilipino ang paghahanda ng noche buena pagpatak ng alas-dose sa araw ng Pasko. Naglalaan tayo pera, panahon, at pagod para may mapagsaluhan ang pamilya. Bagamat wala ito sa Bibliya o sa mga turo ng Simbahan, marami ang nakararamdam ng diwa ng Pasko kapag mayroon silang handang mapagsasaluhan ng pamilya. Kaya hindi naman siguro masamang maghangad ng masarap at disenteng handa ngayong Pasko.

Ayon sa Department of Trade and Industry (o DTI), tumaas ng 10% ang presyo ng karamihan ng mga produktong kadalasang ginagamit sa pagluluto tuwing bisperas ng Pasko. Sa inilabas na price list para sa mga konsyumer, ipinakita ng DTI kung anu-ano ang kayang bilhin ng isang pamilya sa halagang 500 piso. Nakatanggap ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang ahensya matapos nitong sabihing kasya naman daw ang 500 piso para sa noche buena ng isang pamilyang may apat hanggang limang miyembro. Mapagkakasya naman daw ang 500 piso para sa spaghetti sauce, fruit cocktail, condensada, tinapay, keso, at hamon. Sinabi pa ng ahensyang diskarte lang daw ang kailangan, gaya ng pagbili ng mga bundled items at ng paggamit ng ketchup sa halip na spaghetti sauce. Wala pa sa listahan nila ang mantika at iba pang pansahog gaya ng sibuyas na hanggang ngayon ay sobrang mahal pa rin.

Nakalulungkot na ang mga nagsasabing kayang makapaghanda ng noche buena sa kakarampot na halaga at nagpapaalala sa ating matutong dumiskarte ay mga hindi nakararanas ng pagkalam ng sikmura, hindi nakatatanggap ng mababang pasahod sa trabaho, at hindi napipilitang bumili ng tingi-tingi. Out of touch na nga yata sa tunay na buhay ang karamihan ng mga taong nasa gobyerno. Sasapat nga ba ang limandaang piso para sa nakabubusog na handa ng isang pamilyang may limang miyembro? Tila insulto ito para sa mga ordinaryo at mahihirap na pamilya. Tila ba ipinakikita nitong kung hindi man mababa ang tingin ng mga nakaupo sa gobyerno sa mga mamamayan, napakalayo ng kanilang estado sa buhay sa tunay na karanasan at realidad ng mga ordinaryong Pilipino. Layunin man ng DTI na makatulong at makapagbigay daw ng ideya para sa noche buena, mas lumalabas ang pagiging manhid nila sa tunay na kalagayan ng maraming Pilipino.

Ang pamahalaan ang dapat na unang magkaroon ng kamalayan sa karanasan ng mga mamamayan. Paano maitataguyod ang dignidad ng mahihirap kung wala man lang pagsisikap na katagpuin at lubusang intindihin ang kanilang kalagayan? Paano tataas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino kung ang ibinibigay ng mga ahensya ng pamahalaan ay mga turo tungkol sa pamamaluktot kapag maikli ang kumot sa halip na pangmatagalang solusyon sa paghihigpit sa sinturon ng mga Pilipino?

Sa Catholic social teaching na Evangelii Gaudium, tinatawag ang bawat indibidwal at komunidad na maging instrumento ng Diyos sa pagpapalaya at pagtataguyod sa mahihirap upang maging ganap silang bahagi ng lipunan. Kaakibat nito ang pagkakaroon natin ng kababaang-loob upang makinig sa mga daing ng mahihirap at ng sigasig sa pag-aabot sa kanila ng tulong. Gobyerno sana ang nangununa rito.

Mga Kapanalig, mahalagang tungkulin ng pamahalaan ang pagtugon sa problema ng kahirapan sa ating bansa, kaya’t marapat lamang na may pakialam at kumikilos ang ating mga lider. Bagamat mas mahalaga sa ating kasama natin ang mahal natin sa buhay sa bisperas ng Pasko, karapatan ng bawat mamamayang Pilipino na magkaroon ng disenteng pagkain hindi lamang ngayong Pasko kundi araw-araw. Gayunpaman, punuin natin ng pag-asa ang ating mga puso ngayong Kapaskuhan, gaya ng sabi sa Mga Awit 34:6, “nagalak ang aping umasa sa kanya, ‘pagkat ‘di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila’y iniligtas sa hirap at dusa.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 37,413 total views

 37,413 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,069 total views

 52,069 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 62,184 total views

 62,184 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 71,761 total views

 71,761 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 91,750 total views

 91,750 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 37,414 total views

 37,414 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,433 total views

 3,433 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,070 total views

 52,070 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 62,185 total views

 62,185 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 71,762 total views

 71,762 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 91,751 total views

 91,751 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,268 total views

 49,268 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,293 total views

 44,293 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,862 total views

 47,862 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,317 total views

 60,317 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,384 total views

 71,384 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,703 total views

 77,703 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,313 total views

 82,313 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,873 total views

 83,873 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,434 total views

 49,434 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top