351 total views
Nanawagan ang Halalang Marangal 2022 Coalition sa Commission on Elections (COMELEC) na kagyat na tugunan ang petisyon na inihain ng iba’t ibang mga grupo kaugnay sa kandidatura para sa pagkapangulo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr. – Chairman ng Halalang Marangal 2022 Coalition Executive Committee, walang anumang partido o grupo na sinusuportahan ang kuwalisyon sa halip ay sa diwa ng katotohanan, katapatan at katarungan para sa nakatakdang halalan.
“Regarding the petition before the COMELEC to cancel the Certificate of Candidacy of Ferdinand R. Marcos Jr. for alleged false material representation, be it known that the HALALANG MARANGAL 2022 will not side with any of the parties involved. Instead, it urges the COMELEC to immediately act on the petition in the spirit of the law.” pahayag ni Fr. Labiao
Pagbabahagi ng Pari na siya ring Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP) o Caritas Philippines dapat na magkaroon ng kaliwanagan ang naturang petisyon na maituturing na isang hamon para sa election law ng bansa.
Ipinaliwanag ni Fr. Labiao na mahalagang agad na matugunan ng COMELEC ang nasabing petisyon upang maiwasan rin ang pagkalito ng mga botante .
“HALANG MARANGAL 2022 views with grave concern the recent events on the controversy of the candidacy of Ferdinand R. Marcos Jr. as it creates bad precedent and a mockery on the election law, as well as the rule of law of the land. In this regard, we call on the COMELEC en banc to fast track the resolution of the petition so as not to create confusion among the electorate.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.
Giit ni Fr. Labiao, mahalaga ang paninindigan ng COMELEC sa tunay at kung ano ang nasasaad sa batas na siyang dapat na magsilbing sandigan ng katotohanan at katarungan sa lipunan.
Binigyang diin pa ng Pari na mahalaga ang tuwinang pagbibigay prayoridad sa kung ano ang makabubuti para sa lahat o ang common good kumpara sa kapakinabangan ng iilan indibidwal lamang.
Una ng nilinaw ni Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm – Chairperson ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na isa sa mga naghain ng petisyon sa COMELEC na self-inflicted ang hindi pagbabayad ng tamang buwis na dahilan upang siya ay mahatulan ng krimen sa Quezon City Regional Trial Court noong 1995 na kinatigan ng Court of Appeals noong 1997 .