14,191 total views
Umaasa ang Divine Mercy Ministry ng Archdiocese of Cebu na paigtingin ng bawat binyagang kristiyano ang debosyon sa Divine Mercy.
Ayon kay ministry Spiritual Director Fr. Lucas Inoc nawa’y magbunga ng malalim na pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon upang maibahagi sa kapwa.
Aniya bawat isa ay nangangailangan ng habag mula sa Diyos dahil sa pagiging makasalanan ng tao kaya’t dapat na yakapin ng buong puso ang debosyon.
“I hope that our people would embrace this devotion because all of us are in need of mercy; Jesus is a merciful God who wants to communicate His mercy to us, and that is why this devotion is not only a devotion we received; it is also a kind devotion we should share,” pahayag ni Fr. Inoc sa Radio Veritas.
Paliwanag ng pari na bukod sa paglago ng pananampalataya umaasa itong makatutulong ang 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na mahubog ang tao sa pagiging maawain, nakahandang ipadama ang pagkalinga at magiging daluyan ng habag at awa ng Panginoon sa sanlibutan.
Ibinahagi ni Fr. Inoc na ang pagiging mas malapit ng tao kay Hesus ay mas nararamdaman ang kanyang walang hanggang awa.
Sa kasalukuyang datos ng Divine Mercy Ministry nasa 3, 130 ang mga delegado sa AACOM kabilang na ang 174 international delegates mula sa mga bansang Canada, Guam sa Amerika, India, Lithuania, Malaysia, Papua New Guinea, Indonesia, Thailand, at Singapore.
Bukod pa rito ang mga dadalo sa one-day event sa October 18 kaya’t inaasahang aabot ng humigit kumulang limang libo ang mga debotong magtitipon sa IEC Convention Center sa Cebu City.