23,349 total views
Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya.
Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang Family and Life Ministry and Social Services Ministry ng St. John Paul II Parish, Diocese of Novaliches – Family and Life Commission, Responsible Parenthood and All-Natural Family Planning Program, at Super Coalition Against Divorce (SCAD).
Pangungunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Public Affairs executive secretary Rev. Fr. Jerome Secillano ang talakayan at diskurso sa forum.
Layon ng forum na higit pang mapalalim ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya at manindigan laban sa panukala.
Nakatakda ang talakayan sa ika-17 ng Hulyo, 2024 ganap na alas-nuebe ng umaga sa Fr. Gerardo Tapiador Hall sa St. Peter Parish, Shrine of Leaders, Commonwealth Avenue, Quezon City.
Bukas ang Forum on Absolute Divorce Bill para sa mga mag-asawa at mga kabataan upang higit na mamulat ang kamalayan sa kasagraduhan ng sakramento ng matrimonyo.