Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diyosesis ng Bayombong, muling nanawagan ng panalangin para sa kagalingan ni Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

 2,758 total views

Muling nanawagan ng panalangin ang Diyosesis ng Bayombong para sa kaligtasan at kagalingan ni Bishop Jose Elmer Mangalinao.

Ito’y makaraang isugod sa Cardinal Santos Medical Center ang Obispo dahil sa pag-uubo at bahagyang paninikip ng dibdib.

Sa kasalukuyan, maayos na ang kondisyon ni Bishop Mangalinao at nagpapahinga muna dahil muli itong isasailalim sa coronary artery bypass graft surgery sa susunod na linggo.

Nakikiusap naman si Fr. Roberto Oliveros, Jr., chancellor ng diyosesis na iwasan ang pagbabahagi ng mga hindi opisyal na ulat kaugnay sa kalagayan ni Bishop Mangalinao upang maiwasan ang pagkabahala ng publiko.

“Let us be one in prayer for our bishop’s full and fast recovery through the intercession of Our Blessed Mother Mary and St. Dominic, the patron of our Diocese,” pahayag ni Fr. Oliveros.

Nagpapasalamat naman si Bishop Mangalinao sa mga patuloy na nag-aalay ng panalangin para sa kanyang agaran at tuluyang paggaling.

“At this time, I am more prepared for any eventuality… Thanks for the prayer that heals and saves. I do the same for you,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Matatandaang Setyembre 2022, nang atakihin sa puso si Bishop Mangalinao habang nasa Estados Unidos para sa Mission Appeal at iba pang mahalagang gawain, at matagumpay na sumailalim sa bypass operation.

Si Bishop Mangalinao ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagkakaisa, lunas sa pagkakanya-kanya

 16,475 total views

 16,475 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagkakaluklok muli sa puwesto ni US President Donald Trump ang paglagda niya sa isang executive order (o EO) na pansamantalang inihihinto ang lahat ng foreign aid ng Estados Unidos. Layunin ng EO na pag-aralan ang lahat ng foreign aid at siguruhing isinusulong ng mga ito ang interes ng mga

Read More »

Ang online hukuman

 21,870 total views

 21,870 total views Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng

Read More »

Pananagutan para sa katarungan

 29,002 total views

 29,002 total views Mga Kapanalig, hinahamon tayo ng Diyos na pairalin ang katarungan sa ating bayan.  Ayon sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Para sa Diyos, ang pananagutan natin sa isa’t isa ang magiging daan upang mabuhay tayo sa katarungan. Isang halimbawa ng paraan natin

Read More »

Pag-uusap, hindi pananakot

 59,126 total views

 59,126 total views Mga Kapanalig, sa pagitan ng mga taóng 2021 at 2022, tumaas ng 35% ang bilang ng mga babaeng edad 15 pababa na nabuntis. Base ito sa datos na nakalap ng NGO na Save the Children. Ang mga taóng ito ang kasagsagan ng pandemya.  Lubhang nakababahala ito.  Hindi handa ang katawan ng isang batang

Read More »

Araw-araw na kalupitan

 58,639 total views

 58,639 total views Mga Kapanalig, noong Disyembre pa nang makunan ang nag-viral na video kamakailan kung saan makikitang hinablot ng security guard ng isang mall ang panindang sampaguita ng isang babae. Tila inambahan pang saktan ng guwardya ang babae nang umalma siya. Napukaw ang interes ng publiko sa nangyaring ito. Inalam ng media at ng DSWD

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

Misa, inialay sa paggunita ng Ika-25 taong anibersaryo ng pagiging martir ni Fr.Gallardo

 371 total views

 371 total views Pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF ang Banal na Misa bilang pagsisimula ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng pagiging martir ni Claretian missionary Fr. Rhoel Gallardo. Ginanap ang pagdiriwang sa Gallardo Hall ng Claret School sa Quezon City, nitong February 6, kasabay ng paggunita kay San Pedro Bautista, martir at isa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nagluluksa sa pagpanaw ng Argentinian priest at Veritas anchor Fr. Luciano Felloni

 828 total views

 828 total views Nakikiramay ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Diyosesis ng Novaliches kaugnay sa pagpanaw ni Argentinian priest, Fr. Luciano Felloni. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ipinakita ni Fr. Felloni ang dedikasyon sa paglilingkod para sa kapwa lalo na sa mahihirap. “His deep

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Environmental group, kinilala ang yumaong mambabatas sa pagtatanggol ng kalikasan

 1,701 total views

 1,701 total views Binigyang-pugay ng EcoWaste Coalition ang buhay at paglilingkod ng yumaong human rights defender at Albay 1st district representative Edcel Lagman. Ayon kay EcoWaste national coordinator, Aileen Lucero, kilala si Lagman sa paninindigan laban sa hindi makatarungang utang, pangangalaga sa kalikasan, at pagtataguyod ng dignidad ng tao. “Known to many as a man of

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Obispo ng Gumaca, pinuna ang mga sira-sirang lansangan sa Quezon

 1,807 total views

 1,807 total views Hinamon ni Gumaca Bishop Eugenius Cañete, MJ ang pamahalaan, mamamayan, at Simbahan na magkaisa para sa pagkakaroon ng makatarungan at tunay na pagbabago sa lipunan. Kaugnay ito sa inilabas na liham ng diyosesis bilang panawagan para sa maayos na mga pangunahing lansangan sa lalawigan ng Quezon. Ayon kay Bishop Cañete, matagal nang suliranin

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Commercial fishing sa loob ng 15-kilometer municipal fishing zone, tinututulan ng opisyal ng CBCP

 3,075 total views

 3,075 total views Magsasagawa ng press conference ang simbahan, katuwang ang mga mangingisda at mga dalubhasa sa karagatan, upang ibahagi at ipaliwanag ang pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa pagtutol sa desisyon ng Korte Suprema. Kaugnay ito sa pagpapahintulot ng kataas-taasang hukuman sa commercial fishing sa loob ng 15-kilometer municipal fishing zone.

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mga paring sangkot sa sexual offenses, sumailalim sa legal at canonical process

 3,264 total views

 3,264 total views Naglabas ng opisyal na pahayag ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa website na naglalaman ng listahan ng mga paring sangkot sa pang-aabuso, partikular na sa mga kabataan. Ayon kay Archbishop Jose Palma, ilan sa mga paring kabilang sa listahan ay nakabalik na at aktibong naglilingkod muli sa Simbahan. Iginiit ng arsobispo na ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Filipino songwriters at composers, inaanyayahan sa liturgical songwriting competition

 3,627 total views

 3,627 total views Inaanyayahan ng media arm ng Philippine Province of the Society of Jesus ang mga Filipino composers at songwriters na makilahok sa liturgical songwriting competition bilang pagpupugay sa Ama ng Musikang Pangliturhiya ng Pilipino. Ito ang Purihi’t Pasalamatan: The Fr. Eduardo Hontiveros, SJ National Liturgical Music Songwriting Competition ng Jesuit Music Ministry (JMM), ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Patuloy na pagbibenta ng skin whitening products, binatikos

 7,451 total views

 7,451 total views Binatikos ng EcoWaste Coalition ang patuloy na pagbebenta ng mga ilegal na produktong pampaputi at pampaganda ng balat na mapanganib sa kalusugan. Ayon kay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, ang patuloy na paggawa, pag-aangkat, at pagbebenta ng mga nakalalasong produktong may mercury ay nakakabahala at hindi katanggap-tanggap para sa kapakanan at kaligtasan ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Simbahan, tinutulan ang panukalang mineral reserve sa Antique

 9,709 total views

 9,709 total views Nagkaisa ang iba’t ibang grupo at simbahan sa lalawigan ng Antique upang mariing tutulan ang planong ideklara ang itaas na bahagi ng mga bayan ng Patnongon, San Remigio, Valderrama at Sibalom bilang mineral reservation. Sa ipinadalang position paper kay Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region VI Director Cecilia Ochavo-Saycon, ipinaliwanag ng grupo ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Katatagan ng mga biktima ng wild fire sa California, ipinagdarasal ni Bishop Santos

 10,410 total views

 10,410 total views Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang katatagan ng mga biktima ng nangyayaring wildfire sa Southern California sa America. Hiling ni Bishop Santos, na siya ring rektor at kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, na patnubayan nawa ng Panginoon ang mga lubhang naapektuhan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Borongan, nagdadalamhati sa pagpanaw ng Paring anti-mining advocate

 9,584 total views

 9,584 total views Nagdadalamhati ang Diyosesis ng Borongan sa pagpanaw ni Fr. Alejandro “Alex” Galo, na kilala sa paninindigan laban sa operasyon ng pagmimina sa Eastern Samar. Batay sa paunang ulat ng pulisya, ang 66 taong gulang na pari ay sakay ng kanyang motorsiklo nang mabangga ng paparating na sasakyan bandang alas-8 ng umaga, nitong Miyerkules

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Paggamit ng single use plastic na banderitas, binatikos ng ECOWASTE

 11,059 total views

 11,059 total views Muling binatikos ng EcoWaste Coalition ang patuloy na paggamit ng ‘plastic labo’ at iba pang single-use plastic materials bilang banderitas sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño. Ito’y matapos mamataan ng grupo ang mga lansangan sa Tondo at Pandacan sa Maynila na puno ng banderitas na nilikha gamit ang mga bagong plastic “labo,”

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Nakiisa sa 1st Marian International festival, pinasalamatan ng Diocese of Antipolo

 10,373 total views

 10,373 total views Nagpapasalamat ang pamunuan ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa mga nakibahagi sa kauna-unahang Marian International Festival bilang pagpapalaganap ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, rektor at kura paroko ng dambana, layunin ng festival na higit na maipakilala at maipaunawa sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mga taong may pananalig sa Diyos, hindi naninira at nananakit ng kapwa- Cardinal Tagle

 10,432 total views

 10,432 total views Ipinaalala ng opisyal ng Vatican sa mananampalataya na ang mga taong may pananalig sa Diyos ay hindi kailanman maninira at mananakit ng kapwa. Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect ng Vatican Dicastery for Evangelization, sa banal na misa para sa pagtatapos ng kauna-unahang Marian International Festival sa International

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Malinis na Nazareno 2025, panawagan ng ECOWASTE

 13,481 total views

 13,481 total views Hinihikayat ng EcoWaste Coalition ang mga deboto ng Jesus Nazareno na ipahayag ang pananampalataya sa pamamagitan ng malinis na pagdiriwang ng Nazareno 2025. Ayon kay EcoWaste Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, ang pakikibahagi ng milyon-milyong deboto sa pagsusulong ng kalinisan ay makatutulong upang mabawasan ang malilikhang basura, lalo na sa Quirino Grandstand para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top