348 total views
Nakahanda na ang mga Diyosesis sa Eastern Visayas at Caraga sa paglandfall ng bagyong Odette.
Sinabi ni Catarman Bishop Emmanuel Trance na nakahanda na ang diyosesis at lokal na pamahalaan para sa inaasahang pananalasa ng bagyo sa Eastern Visayas.
“Our Caritas Catarman with Catholic Relief Services are on standby for relief services. The Province and local government unit have drill in disaster reduction preparedness and early warning,” pahayag ni Bishop Trance sa Radio Veritas.
Inihayag ng obispo na maliban sa pisikal na paghahanda ay sinimulan na rin sa Diyosesis ang pagdarasal ng Oratio Imperata para sa kaligtasan ng lahat laban sa sakuna.
“We are just bracing for what is to come and praying for not much harm and destruction, flooding of rivers, landslides, storm surges in coastal areas and islands,” ayon sa Obispo.
Iniulat naman ni Diocese of Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na sa kasalukuyan ay nararanasan sa diyosesis ang hangin at pag-uulang dulot ng bagyo bagamat nasa labas pa ito ng PAR.
Dalangin naman ni Bishop Almedilla na nawa’y maligtas ang bawat isa at hindi magdulot ng matinding pinsala ang Bagyong Odette sa Caraga at iba pang bahagi ng bansa.
“May we be secure in Your loving protection, and in our concern and care for one another and for the whole of creation. Help us to seek Your will in all our experiences, that we may be faithful stewards of all Your gifts with grateful hearts,” panalangin ni Bishop Almedilla.
Batay sa huling ulat ng PAGASA, inaasahang papasok ng PAR ang Bagyong Odette mamayang gabi o Miyerkules ng madaling araw.
Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 70 kph habang kumikilos pakanluran sa bilis na 10 kph.
Inaasahan din ang pagiging typhoon category ng Bagyong Odette bago pa ito mag-landfall ngayong Huwebes.