419 total views
Iminungkahi ni Iloilo Rep. Janette Garin sa Department of Health (DoH) na maglagay na ng antivirals sa mga ospital bilang paghahanda sa moderate at severe cases ng COVID-19.
Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) na gawing optional ang pagsusuot ng face mask sa mga open at hindi mataong lugar.
Ayon kay Garin, hindi maitatanggi na mayroon nang pandemic fatigue ang mga Filipino kaya’t marami ang sang-ayon na maging boluntaryo na lamagn ang pagsusuot ng face mask, at ang tuluyang pagluwag sa panuntunan ay may kaakibat na paghahanda sakaling tumaas ang covid cases.
“With the lifting of the mask mandate, it is imperative that the Department of Health preposition antivirals so that the burden of health expenditure for moderate and severe cases will not be passed on to the people,” pahayag ni Garin.
Nakikiisa rin si nGarin sa mga pabor sa optional mask policy, subalit dapat munang ipatupad kapag umabot na sa 70 porsiyento ng target population ang may booster shots laban sa COVID-19.
Sa datos ng DoH, m ay 17 million o nasa 21.76 % pa lamang ang nakatanggap ng unang booster shots na lubhang mababa kung ikukumpara sa 72 million o 92.31% Filipino na fully vaccinated sa primary series vaccine o nakatanggap na ng unang dalawang bakuna.
“Put on masks, they actually protect other people especially when masks are worn by infected asymptomatic individuals,” pagtatapos pa ni Garin.
Ayon sa isinagawang pag-aaral ng Microbiology Department ng University of Hongkong na nailatha sa Clinical Infectious Diseases Medical Journal nagpapakitang bumababa ng hanggang 75% ang coronavirus’ transmission rate sa pamamagitan ng respiratory droplets o airborne particles kapag nakasuot ng face masks.
Tiniyak naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care na mananatiling katuwang ng pamahalaan ang simbahan laban sa Covid-19 sa pamamagitan ng pagpapagamit ng ilang mga parokya bilang lugar sa pagbabakuna.