12,236 total views
Naglunsad ng donation drive ang official student publication ng Bicol University upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region.
Ayon sa The Bicol Universitarian, layunin ng kanilang inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi lamang sa kagyat na pangangailangan ng kanilang mga kapwa mag-aaral sa rehiyon kundi ng bawat pamilyang lubos na naapektuhan ng Bagyong Kristine sa lalawigan.
“The Bicol Universitarian, the official student publication of Bicol University, tirelessly oversees and reports news before, during, and after the typhoon Kristine. With this, we are conducting a donation drive to strengthen our mantra and commitment of providing genuine student service to our fellow BU students and families in need during this distressing times.” Bahagi ng panawagan ng The Bicol Universitarian.
Pagbabahagi ng The Bicol Universitarian, bukod sa pagtulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng napapanahon at mahahalagang balita at impormasyon ay layunin ng grupo na makatulong sa mga naapektuhan ng sama ng panahon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kanilang mga kagyat na pangangailangan.
Ayon sa grupo, kabilang sa higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, hygiene kits, mga gamot at mga kumot, damit at tuwalya bilang mga kagyat na pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan ng sama ng panahon.
“The aftermath of the typhoon has caused not only emotional burdens but also financial implications for boarders and dormers facing serious inconveniences. As a publication, we aim to not only deliver real-time news but also provide assistance through the support of everyone seeing this post.” Dagdag pa ng The Bicol Universitarian.
Para sa mga nais tumulong at makibahagi sa donation drive ng ppublikasyon ay maaring makipag-ugnayan sa Official Facebook page nito na The Bicol Universitarian o kaya naman ay maari ding magpadala ng donasyon sa pamamagitan ng GCash ni Mr. John Patrick Juarez sa numero bilang 0935-471-6575.
Samantala una na ring naglabas ng P1.2 milyong piso ang social arm ng Archdiocese of Manila bilang paunang tulong para sa mga diyosesis na lubos na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region.
Bilang kagyat na pagtugon ng Caritas Manila sa mga nasalanta ng bagyo sa rehiyon ay makakatanggap ng tig-P200,000 mula ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Arkidiyosesis ng Caceres at mga Diyosesis ng Libmanan sa Camarines Sur; Diyosesis ng Virac sa Catanduanes; Diyosesis ng Daet sa Camarines Norte; Diyosesis ng Legazpi sa Albay; at Diyosesis ng Sorsogon.