722 total views
Ilulunsad ng Church People – Workers Solidarity (CWS) ang pagtulong sa mga manggagawa at kanilang mga sinusuportahang estudyante.
Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairperson ng CWS, isasagawa ang donation drive para sa mga anak o pinapaaral ng mga manggagawang naapektuhan ng pandemya.
Paanyaya ng Obispo na sa 500-pisong donasyon kada pamilya ay ihahandog ng CWS sa mga benipisyaryong estudyante ang mga gamit sa paaralan, school uniforms, bags at sapatos.
“Dahil nga sa naapektuhan yung income ng ating mga labor sector may threat, malaking dahilan talaga na maaring mga anak nila ay hindi makapatuloy sa pag-aaral dahil nga kulang sa mga gamit mga kailagan sa pagpasok sa paaralan kaya kami sa Church People – Workers Solidarity ay nanawagan na maaring tumulong tayo na makabili at ma-provide natin ang school materials and supplies nung mga poorest sectors natin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Alminaza.
Ang proyekto ay pangunahing ilulunsad sa Metro Manila kung saan makipagtulungan ang CWS sa iba pang mga Diyosesis sa Pilipinas upang higit na mapalawig ang proyekto.
Mensahe din ni Bishop Alminaza sa paglulunsad ng proyekto ang kahalagahan na matiyak ang bawat kabataan ay makatapos ng pag-aaral upang makapamuhay ng marangal at mai-ahon ang pamilya sa karukhaan.
“Laking tulong nito para makaahon din sila kasi equalizer dun yung education kaya sana kung may dumalo sayo o may lumapit sa inyo o kung maari din sa ating kapanalig na Radio Veritas,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas sa Obispo.