9,751 total views
Nagpapasalamat si Fr Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas sa mga donors at benefactors ng social arm ng Archdiocese of Manila.
Ipinarating ng Pari ang lubos na pasasalamat sa idinaos na “Pasasalamat Agape” sa Arsobispado De Manila sa Intramuros.
Ayon sa Pari, sa tulong ng in-cash at in-kind donations ng mga donor at benefactors ay dumarami ang YSLEP scholars ng Caritas Manila, pagpapakain sa mga mahirap at pagpapagamot sa mga dumaranas ng karamdanan gayundin ang pagkakaloob ng kabuhayan sa mga maralita.
Mabilis ding nakapagbibigay ng tulong ang Caritas Manila sa mga nasalanta ng kalamidad at mga nasunugan.
“Nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa biyaya ng paglilingkod at paghahandog ng ating mga yaman sa pagtulong sa mga mahihirap sa ating bansa, sa pamamagitan ng mga programa, proyekto ng Caritas Manila, isang Church-NGO matagal na po tayo, 73 years old na po at libo-libo na ang natulungan natin at nais pa natin matulungan lalung-lalung na ngayon na maraming naghihirap sa ating bayan, Naway tangkilikin niyo ang mga program ng Caritas Manila lalung-lalu na ang ating education, health at livelihood program,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.
Nagagalak naman si Ms.Alice Eduardo, 14-taong regular donor ng Caritas Manila at Dexter Dandolit ng Philippiny Navy na naging scholar Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) na ngayon ay aktibong miyembro ng Caritas Manila Scholar’s Association (CAMASA).
Itinuturing ni Eduardo at Dandolit na isang biyaya ang donasyon mula sa mga donor at benefactor ng Caritas Manila upang mapabuti ang estado ng pamumuhay ng mga naghihikahos sa buhay.
“Actually I’m really so blessed na maging part ng Caritas Manila and I am really happy being with them and seeing all these people na part ng Caritas Manila and I can say na lahat tayo blessed and kailangan talaga magpasalamat everyday I am so happy na nakikita ko lahat sila and I was so involved since 2010 and as in everyday nasa heart ko ang Caritas Manila,” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Eduardo. Hinihikayat naman ni Eduardo at Dandolit ang mga Pilipino na makiisa sa Caritas Manila upang sa pamamagitan ng kanilang mga donasyon ay mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap.
“Para naman po sa ating Caritas Manila scholars at graduates po, sana po ay mas marami tayong matulungan and also po sa mga kapwa Pilipno na gusto pong sumuporta sa Caritas Manila upang maghatid, upang marating ng mga kabataan ang kanilang mga pangarap sa buhayand thank you for Caritas Manila, for bringing the dreams of young Filipino dreamers into reality,” ayon naman sa mensahe at panayam kay Dandolit.
Ipinaalala naman ni Fr.Pascual sa mga donor na hindi tamad ang mga mahihirap bagkus nagkulang lamang sila sa oportunidad na mapaganda ang buhay.
Ayon kay Fr.Pascual, ang kakulangan na ito ay pinupunan ng Caritas Manila at donors sa pamamagitan ng mga programa na magpapataas sa antas ng pamumuhay ng mga mahihirapsa tulong ng kanilang mga programang itininataas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.
Sa tala, mahigit isang daang mga donors ang dumalo sa isang pasasalamat agape at binigyang pagkilala ng Caritas Manila.