1,687 total views
Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang dry-run ng ‘Proposed Active Transport Infrastracture Improvement’ simula EDSA Santolan hanggang Shaw Boulevard.
Ayon sa kagawaran, napakaloob sa programa ang layunin ng road widening initiatives upang mapalawak ang mga daanan ng tao at bike lanes sa kahabaan ng EDSA.
“In an alignment meeting held at MMDA’s Makati Office, the MMDA, headed by General Manager Ret. P/Col. Procopio G. Lipana and Assistant General Manager for Operations Atty. Victor Pablo C. Trinidad, unanimously approved DOTr’s request to carry out the said dry run, which will include road configuration improvements, and widening of pedestrian walkways and protected bi-directional bike lanes,” mensaheng ipinadala ng DOTr sa Radio Veritas.
Layunin ng Kagawaran na matapos ito simula 2023 hanggang 2028 bilang bahagi ng Philippine Development Plan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inaasahan sa proyekto na mapabuti ang kalagayan ng paglalakad at pagbibisikleta ng mamamayan.
“The National Government firmly believes that the only way traffic congestion will be solved along EDSA and all other metropolitan areas in the country is through BUILDING BETTER AND MORE active transport and mass transportation systems,” bahagi pa ng mensahe ng DOTr.
Naging posible rin ang dry-run matapos maaprubahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang proyekto sa idinaos na pagpupulong kasama ang mga opisyal ng MMDA at DOTr.
Unang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paggawa ng mga batas at pagpapatupad ng mga polisyang tutulungan ang manggagawa mula sa ibat-ibang sektor na lubhang naapektukhan ng pandemya ang kabuhayan.
Kaisa naman ang Simbahang Katolika sa mga hakbang katulad ng paggamit ng mga bisikleta sa halip na gumamit ng sasakyang de-motor na magdudulot naman ng climate change.