284 total views
Ito ang binigyan-diin ni Donald Dee, Chairman Emeritus ng Employers’ Confederation of the Philippines o ECOP matapos ang pina-igting na kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga at krimen.
Ayon kay Dee, lalago ang ekonomiya kung magiging “drug free” ang bansa.
Iginiit nito na dahil sa ika – apat ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na pinagmumulan ng iligal na droga ay hindi maka – angat ang ekonomiya at naging hadlang ito sa mga gustong mamuhunan sa bansa.
“Saan ba pumunta ang kinikita diyan? Hindi natin nakikita kung binabalik ba sa ekonomiya natin o nilo – launder nila yung pera inilalabas nila. Nakakatulong dahil sinasabi na ang pera ay nagagastos o nagagamit sa loob ng ating ekonomiya, meron siguro. Pero it is a gross contribution, hindi nakakatulong on overall sa ekonomiya natin,” bahagi nga pahayag ni Dee sa Radyo Veritas.
Naitala naman na mula Mayo hanggang ika – 3 ng Hulyo ay umabot na sa 103 ang nasawi ng pulisya kontra iligal na droga.
Mariin namang tinutulan ng kanyang Kabanalan Francisco ang talamak na iligal na droga dahil sinisira nito ang paglago ng isang indibidwal at higit sa lahat sa lipunang kanyang ginagalawan.