21,192 total views
Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa.
Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya.
Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga programa lalo na sa mga panahon ng sakuna at kalamidad sa bansa.
“DJI Enterprise drones have become indispensable tools for public safety agencies including law enforcement, fire departments and search and rescue teams These drones provide aerial support in various emergencies as a first responder,” ayon kay Hung.
Kamakailan ay inilunsad ng DJI ang Dock 2 at Zenmuse H30 Series sa David Consunji Theater sa UP-ICE Main Building sa Quezon City na magagamit sa pagpapabilis ng mga gawain lalo na sa larangan ng search and rescue operations.
“DJI Products are designed to meet the rigorous demand of various industries by leveraging cutting-edge technology in their professional operation. DJI Products are redefining the industry, professionals in filmmaking, agriculture, conservations, search and rescue, and energy infrastructures,” sinabi ni Hung.
Itinampok dito ang iba’t ibang uri ng drones tulad ng consumer product range na kinabibilangan ng camera drone, consumer handheld imaging equipment, at professional imaging equipment gayundin ang DJI Agras, DJI Agricultural, DJI Logistics, at DJI Enterprise.
Tinalakay sa nasabing launching ang kahalagahan ng mga bagong drones na makatutulong mapabilis ang produksyon sa sektor ng agrikultura, sa public safety lalo’t pinangangambahan ang The Big One sa Metro Manila upang matiyak ang pagiging matibay ng mga gusali para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.
Matatandaang sa pagtitipon ng Pontifical Academy for Life kaugnay sa pag-usbong ng teknolohiya iginiit ni Pope Francis na dapat ang pag-unlad ng agham at teknolohiya ay ‘at the service of human dignity and integral human development.’
Iginiit ng santo papa na mahalagang masubaybayan ang mabilis na pagbabago at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng pag-usbong ng teknolohiya upang mapanatili ang pagiging balanse ng pamayanan.