166 total views
Nakahanap ng suporta ang Simbahang Katolika mula sa Association of Filipino Franchisers Incorporated (AFFI) para sa livelihood program ng Caritas Restorative Justice Ministry para sa mga sumukong drug addicts at pushers.
Ayon kay AFFI chairman of the board, Armando “Butz” Bartolome, nakahanda ang kanilang sektor na binubuo ng mahigit 210 miyembro at 35 outlets na lumikha ng 220- libong trabaho sa buong bansa na magbigay ng livelihood orientation workshops sa mga itatayong community based rehabilitation program.
Paliwanag pa ni Bartolome bago pa mag – umpisa ang kampanya ng pamahalaan kontra – ilegal na droga ay matagal na rin silang nakikiisa upang magbigay ng libreng pagsasanay sa mga kabataan na maging young entrepreneurs at magkaroon ng disenteng mapag – kakakitaan.
Sinabi ni Bartolome na patuloy nilang ipinagtitibay ang adbokasiya ng CSR o corporate social responsibility na maibahagi ang kanilang kaalaman sa nakakaraming Pilipino na hindi lamang lumikha ng isang propaganda o pagpapakitang – tao lamang kundi may konkretong pagpapa – plano.
“More of our entrepreneurs here, members are social advocates, we want to think na not only making a profit but also sharing the blessing. We also encourage corporate social responsibility and that something most of us, we have our own share na CSR, not because of propaganda in fact we don’t really want any propaganda but we want to cater to people…We are all out if it is for the good of all especially for the mankind,” bahagi ng pahayag ni Bartolome sa panayam ng Veritas Patrol.
Samantala, nabatid na nasa 1.2 milyong bahay na ang nakatok sa ilalim ng Oplan Tokhang, kung saan 721,067 na drug personalities na ang sumuko.
Nauna na ring inilunsad ng Caritas Manila RJ ministry ang SANLAKBAY na tutugon sa pagbibigay ng spiritual formation sa mga drug surrenderees na nauna ng ipinanawagan ni Caritas Internationalis president at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.