465 total views
Nangako ang Department of Trade and Industries (DTI) na tutugunan ang laganap na ibat-ibang panloloko ng networking companies.
Tiniyak ni Trade Secretary Alfredo Pascual at Trade Undersecretary Ruth Castelo ang pakikipag-ugnayan sa Securities and Exchange Commission upang maparusahan ang mga mapagsamantalang kumpanya.
Palalawakin din ng D-T-I ang information dessimination campaign para ipaalam sa mamamayan ang mga dapat gawin upang makaiwas sa mga scams.
“Ang kailangan nating turuan ay yung mga tao mismo, siguro magkaroon tayo ng educational campaign so that we can make them aware kung paano ang dapat kailangang sistema sa pag-desisyon kung kanino sila makipag-transaksyon,”pahayag ni Pascual
Ito ang nakikitang solusyon ng D-T-I matapos isulong ni Senator Raffy Tulfo ang usapin sa public hearing ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.
Ibinahagi ni Tulfo ang natatanggap na maraming reklamo ng mga nalokong mamamayan na nakukuhaan ng pera at mga manggagawang tinanggal dahil sa biglaang pagsasara ng mga networking companies.
Ibinunyag ng Senador na bukod sa online recruiting ay sapilitang pagpapapunta ng networking companies sa mga biktima sa kanilang mga tanggapan kung saan isasagawa ang pamimilit ng pagbili at pangangako ng mabilis na pagkita ng pera sa pagsali o pagiging empleyado ng mga networking companies.
Sa pag-usbong ng teknolohiya at internet ay naging kaisa ang simbahang katolika ng Pilipinas sa pagbababala sa publiko sa mga scams at iba pang uri ng panloloko.