266 total views
Ito ang mariing panawagan sa pamahalaan ni Atty. Au Santiago, head ng Council of the Laity ng Diocese of Caloocan sa isinagawang Walk for Life ng Diocese of Caloocan sa Navotas City.
Ayon kay Atty. Santiago, bahagi ng tungkulin ng pamahalaan ang pagtiyak sa tamang pag-iral ng batas maging sa mga hinihinalang sangkot sa ipinagbabawal na droga o anumang krimen sa lipunan.
Paliwanag pa Atty. Santiago, dapat na dumaan sa tamang proseso ng paglilitis ang bawat akusado at hindi nararapat na paslangin lalo’t wala pang sapat na batayan o desisyon sa hukuman.
“sa akin, ako nagsasalita bilang abogado sana po meron po tayong Due-Process of Law na sinasabi natin, kung maaari po kung meron tayong suspect ay imbitahan natin at kung talagang malakas ang ebidensya against the person ay kasuhan huwag nating basta papatayin. Ang panawagan ni Bishop sana gumawa ng paraan ang lokal na pamahalaan, lahat sa buong Metro Manila, buong bansa na sana ay gawan nila ng paraan kung papaano mare-resolve ang mga ganitong pagpatay…”pahayag ni Santiago
Una nang kinuwestiyon ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Cultural Heritage of the Church kung ano ang pakahulugan ng Philippine National Police sa salitang “kriminalidad” dahil sa kabila ng patuloy na mga serye ng pagpatay hindi lamang sa Navotas, Malabon at Caloocan kundi sa buong bansa ay ang pagbaba naman ng kaso ng kriminalidad ang inihahayag at ipinagmamalaki sa publiko ng P-N-P.
Read: Pananahimik ng PNP sa laganap na EJK, pinuna
Kaugnay nito, sa tala ng P-N-P mula July 1, 2016 hanggang ika-24 ng Marso ng kasalukuyang taon ay bumaba ang crime rate sa bansa partikular na ang mga kaso ng murder, homicide, robbery, theft, carnapping at physical injuries mula sa higit 159-na-libo noong 2016.
Sa kasalukuyang administrsyon, mahigit sa 79-na libo ang crime index.